Extension ng COVID-19 state of calamity, nakasalalay sa DOH – Malacañang
- BULGAR
- Aug 11, 2022
- 2 min read
ni Lolet Abania | August 11, 2022

Ipinauubaya na ang potensiyal na ekstensyon ng state of calamity declaration dahil sa COVID-19 pandemic sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH), kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga bagong impeksyon sa bansa, ayon sa Malacañang.
“It [extension] will depend on the recommendation of the DOH,” pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa Palace briefing ngayong Huwebes.
“We will make the announcement when the time comes,” dagdag ni Cruz-Angeles.
Una nang sinabi ng DOH na ang deklarasyon ng state of calamity ng bansa ay nakatakdang mag-lapse sa Setyembre 12, 2022. Kapag hindi ito in-extend, ang emergency use authorization ng COVID-19 vaccines, ani ahensiya, “[will] cease to be valid” o hindi na magiging balido.
Ayon sa DOH, “Government’s emergency procurement, tax exemptions for donors, price controls for COVID-19 drugs and testing kits, and health workers’ benefits will also cease once the state of calamity ends.”
Ang nasabing deklarasyon din ang nagbibigay ng kapangyarihan sa mga local governments upang magpatupad ng COVID-19 vaccination program at magkaroon ng emergency funds para tumugon sa krisis sa kalusugan.
Noong nakaraang buwan, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga awtoridad na pag-aralan ang pag-e-extend ng deklarasyon ng state of calamity.
Ayon naman kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, “before the state of calamity is lifted, the wall of immunity against COVID-19 should be high and booster coverage must be ramped up.”
Iniutos na rin ng DOH sa Food and Drug Administration (FDA) na makipag-ugnayan sa mga vaccine manufacturers upang madetermina ang kanilang kahandaan sa pag-apply para sa Certificate of Product Registration (CPR) na kailangan para ang COVID-19 shots ay maging commercially available na.
Matatandaan nitong nakalipas na buwan, sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Marcos na ang gobyerno ay hindi na magpapatupad ng COVID-19 lockdowns. Ipinangako rin ng Chief Executive na magtatayo ng isang vaccine institute at isang center para sa disease control and prevention.





Comments