top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Extended na bisa ng driver's license, good news

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2023
  • 1 min read

@Editorial | September 6, 2023


Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) sa budget deliberation ng Department of Transportation (DOTr) at ng mga attached agencies nito ang pagpapalawig ng 1 taon na validity period o bisa ng mga driver’s license na apektado ng temporary restraining order (TRO) na inisyu ng isang korte laban sa delivery at pagproseso ng plastic ID cards.

Ito ang naging “commitment” ng pamunuan ng LTO, sa naging pagtatanong kaugnay ng isyu.


Maituturing itong “good news” sa publiko lalo na sa mga motoristang makakatipid sa pagre-renew ng lisensya.

Matatandaang nag-isyu ng TRO ang Quezon City Regional Trial Court Branch 215 at inatasan ang LTO na pansamantalang itigil ang kontrata kaugnay sa 5.2 million plastic cards.


Sa mahigit 12 oras na budget deliberation ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2024 budget ng DOTr at ng mga attached agencies nito, naaprubahan sa committee level ng Kamara ang mahigit P214 bilyong budget.


Umaasa tayo na mareresolba na ang usaping ito na una nang nagdulot ng kalituhan at pagkainis sa taumbayan.


Kung may sapat naman na pondo ang ahensya, maging mas masigasig tayo sa pagbibigay ng serbisyo-publiko. Sa mga kawani at opisyal ng gobyerno, iwasan na rin sana ang mga isyu lalo na ang pamumulitika dahil hindi naman tayo mga trapo.


Pagtuunan ng pansin ang trabaho, huwag nang makisawsaw sa mga pulitika.


Para naman sa mga rumaraket d'yan, sa mga nagkalat na fixer sa LTO at iba pang sangay ng pamahalaan, tigilan n'yo na. Hayaan nating gawin ng gobyerno ang kanilang trabaho, huwag gamiting oportunidad ang kanilang kakulangan para kumita.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page