top of page

Executive, itinuro sa flood control scam... Hindi ako ang mastermind — Martin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | April 22, 2026



Martin Romualdez - Livestream FB


Iginiit ni dating House Speaker Martin Romualdez na hindi siya ang mastermind sa budget insertions at anomalya sa flood control projects. 


Ayon sa kanya, nagsisimula ito sa Ehekutibong sangay ng pamahalaan, bago dumaan sa deliberasyon ng Kamara at Senado, at hindi ito kontrolado ng iisang tao lamang.


Binigyang-diin niya na ang implementasyon ng mga proyekto, kabilang ang flood control, ay nasa ilalim ng Ehekutibo at hindi ng Kongreso. 


“Kung may korupsiyon man sa implementasyon, dapat doon ito hanapin,” aniya.

Dagdag pa niya, kung siya umano ang sangkot, dapat ay makikita ito sa kanyang sariling distrito sa Tacloban. Ngunit tiniyak niyang walang ghost projects o substandard na flood control projects sa kanyang lugar, at handa siyang ipasuri ito sa publiko.


Binanggit din ni Romualdez ang ilang personalidad na aniya’y may mahalagang papel sa proseso ng badyet, kabilang sina Senator Francis ‘Chiz’ Escudero at dating Congressman Zaldy Co.


Sa huli, nagbabala si Romualdez na handa niyang ipagtanggol ang kanyang pangalan laban sa aniya’y “politically motivated” na mga akusasyon.


Sinabi rin niya na hindi siya papayag na maging “fall guy” sa kasalanan na gawa ng ibang tao, at iniutos sa kaniyang opisina na isapubliko ang mga affidavit na kaniyang isinumite sa isinagawang mga imbestigasyon. 


“Ipaglalaban ko ang aking pangalan. Hindi ako mananahimik kung kinakailangan kong magsalita,” pagtatapos niya.


Sa kabila nito, kinilala niya ang galit ng publiko at sinabing may karapatan ang mamamayan na managot ang sinumang nagnakaw ng pondo ng bayan.

Hinikayat niya ang mga awtoridad, lalo na ang Ombudsman, na sundan ang ebidensya at huwag umanong maging selective sa pananagutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page