top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Exclusive lane, wa' epek kung talagang pasaway ang drayber

BULGAR
Oct 22, 2022
1 min read

@Editorial | October 22, 2022


Matapos ang pagpapatupad ng motorcycle lane sa isang lungsod sa Metro Manila, isinusulong naman sa Kamara ang panukalang bigyang-kapangyarihan ang mga lokal na sanggunian ng mga bayan at siyudad sa bansa na magtakda ng “tricycle lanes".


Sa ilalim ng House Bill 2118, nilinaw na hindi saklaw ang “Metropolitan Manila” at sa halip ay ipauubaya sa Metro Manila Council (MMC) ang pagpapasya sa usapin.


Kapag naging ganap na batas, ang mga lokal na pamahalaan ay magtatakda ng tricycle lanes sa mga pampublikong lansangan o highways sa kani-kanilang nasasakupan.


Sa explanatory note ng panukala, napapanahon na umanong magkaroon ng tricycle lanes dahil sa ngayon, naglalaan pa ng “extra effort” ang mga tricycle para makahanap ng mga road lane kung saan sila puwedeng dumaan. Kung saan, nagdudulot ito ng mga matinding trapik at aksidente.


Gayunman, naniniwala tayo na mas magiging epektib ang isang batas kung ito ay istriktong ipinatutupad at sinusunod.


Ang kalsada ay para sa transportasyon at hindi pang-karera.


Kahit gaano kaganda o karami ang panuntunan na meron tayo kung pasaway naman ang mga drayber, wala ring silbi.


Kaya ang palaging paalala sa lahat, hindi lang sa mga tsuper, kundi sa lahat ng nasa kalsada, maging disiplinado, marespeto sa mga nakakasabay sa daan at higit sa lahat, magbaon ng maraming pasensya.


Bago umalis ng bahay, isipin na dapat ay makauwi tayo nang ligtas dahil may pamilya tayong naghihintay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page