Excise tax laban sa mga Discaya, ibinasura ng DOJ
- BULGAR

- 45 minutes ago
- 1 min read
ni BRT @News | February 3, 2026

File Photo: Sarah at Curlee Discaya - Senate of the Philippines
Ibinasura ang excise tax complaints laban sa mag-asawang kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, na-dismiss ang mga reklamo kasunod ng evaluation ng mga prosecutor.
Nag-ugat ang mga reklamo sa umano'y hindi pagbabayad ng mga Discaya ng excise taxes para sa siyam na luxury vehicles na nakarehistro sa kanilang mga pangalan.
Nakatakda namang maghain ang DOJ ng dalawa pang tax cases laban sa mga Discaya sa Court of Tax Appeals. Kaugnay ito ng umano'y mga paglabag sa ilalim ng National Internal Revenue Code.








Comments