top of page
SHEET - PARUSA SA IRESPONSABLENG GUN OWNER, MAS BIGATAN – CONG. JAVI_IG _javibenitezzz.jpe

Ex-VP sa Liberia, dinakma sa airport sa kasong drug trafficking

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 21, 2026



Ang dating Vice President ng Liberia na si Jewel Howard-Taylor - AriseTV _ Circulated

Photo: AriseTV / Circulated



Kasong drug trafficking, money laundering at iba pang paglabag ang isinampa laban sa dating Vice President ng Liberia na si Jewel Howard-Taylor, matapos siyang pigilan ng mga awtoridad habang papalabas sana ng bansa.


Dinakip si Howard-Taylor sa Roberts International Airport sa Monrovia habang pasakay ng flight. Dinala siya sa national police headquarters at hindi pa nagbibigay ng pahayag tungkol sa mga paratang laban sa kanya.


Ayon sa Justice Ministry, inaakusahan ang dating opisyal ng ilegal na pag-angkat, pagbebenta at pagbiyahe ng mga kontroladong droga, gayundin ng pagtulong sa pagpapatakbo ng isang drug-trafficking network.


Tatlong dayuhan din ang kinasuhan in absentia bilang bahagi ng imbestigasyon. Dalawa sa mga ito ay Croatian at isa ay Ukrainian, na sinasabing kabilang sa parehong network na iniimbestigahan ng mga awtoridad.


Iginiit ng pamahalaan ng Liberia na target nito ang buong operasyon ng sindikato, kabilang ang mga organizer, facilitator at financier. Kasunod ito ng serye ng malalaking drug seizures sa bansa nitong mga nakaraang buwan.


Naging vice president si Howard-Taylor sa loob ng anim na taon sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong George Weah, mula 2018 hanggang 2024. Ang nasabing administrasyon ay hinarap din ang mga alegasyon ng korapsyon at maling pamamahala sa pondo ng gobyerno.


Pag-upo ni Pangulong Joseph Boakai, nangako itong paiigtingin ang kampanya laban sa korupsiyon at titiyaking hindi magiging drug-trafficking haven ang Liberia.


Patuloy ding binabantayan ng mga awtoridad ang West Africa dahil ginagamit umano ang rehiyon bilang transit route ng cocaine mula South America patungong Europe, dahilan para mas paigtingin ng Liberia ang operasyon laban sa mga sindikato ng droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page