Ex-Surigao del Norte Gov., tinuluyan sa P60M disaster funds

ni Madel Moratillo | June 7, 2023

Nahaharap ngayon sa mga reklamong plunder, graft, at malversation ang dating gobernador ng Surigao del Norte kaugnay sa isyu ng umano'y maling paggamit ng disaster funds.
Dawit sa reklamo si dating Gov. Francisco Matugas, na nagsilbing gobernador ng lalawigan mula 2019 hanggang 2022, at iba pang indibidwal.
Batay sa reklamo ni Oscar Pospia, Jr., ginamit umano ang pondo para sa disaster management na nagkakahalaga P60 milyon para ibili ng librong pambata.
Ang pondo umano na para sana sa mga biktima ng Super Typhoon Odette ay na-divert sa ibang proyekto gayong hindi umano kailangan noong panahong iyon ang mga nasabing libro dahil wala pa namang face-to-face class.
Nangyari umano ang pag-divert ng pondo noong Marso ng 2022, walang 2 buwan bago ang May 9 elections.





Comments