top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ex-Pres. Duterte, pursigidong ituloy ang Republic of Mindanao

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 10, 2024


SA LEGAL NA PARAAN, DESIDIDO SI EX-P-DUTERTE NA IHIWALAY ANG MINDANAO SA ‘PINAS -- Sinabi ni ex-P-Duterte na ang ninanais niyang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas ay dadaanin niya sa legal na pamamaraan upang magkaroon na sila ng sariling bansa na tatawaging Republic of Mindanao.


Ang tinutukoy ni ex-P-Duterte na legal na pamamaraan ay ang Mindanao people’s initiative, at ang statement na ‘yan ng dating presidente ay indikasyon na desidido siyang magkaroon ng katuparang maihiwalay na ang Mindanao sa Pilipinas, abangan!


◘◘◘


KAPAG MINDANAO NAIHIWALAY SA PILIPINAS, KAHIYA-HIYA SA PINOY AT SA MUNDO SI P-BBM -- Sakaling sa legal na pamamaraan ay magtagumpay si ex-P-Duterte na matupad ang Republic of Mindanao, malaking dagok at malaking kahihiyan ito kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM). kasi sa panahon niya nangyari na naihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.


Hay naku, kapag nagkatotoo na naihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas ay iisipin ng mamamayang Pinoy at ng mundo na tama si ex-P-Duterte sa sinabi niya noong November 2021 na “weak leader” si P-BBM, kasi lalabas na hindi niya kinaya ang power ng ex-president kaya nagkaroon ng Republic of Mindanao, boom!


◘◘◘


OIL COMPANIES AT ELECTRIC COMPANY, MISTULANG NAGPAPALIGSAHAN SA PAGPAPAHIRAP SA MAMAMAYAN -- Dalawang araw matapos magpairal ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis nitong February 6, 2024, na dagdag-presyong P1.50 sa kada litro ng diesel, P0.75 sa kada litro ng gasolina at P0.80 sa kada litro ng kerosene, ay inanunsyo ng Meralco kamakalawa, February 8, 2024 na magpapatupad din sila ng dagdag-singil na P0.57 per kilowatt-hour (kWh) sa konsumo sa kuryente ng mamamayan.


Sa panahon lang ng Marcos admin nangyari ‘yan, na ang mga oil company at electric company ay mistulang nagpapaligsahan sa pagbibigay ng dagdag-pahirap sa mamamayan, mga buset!


◘◘◘


KUNG TOTOONG NASA PUSO NI P-BBM ANG KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA, DAPAT IPAWALANG-BISA NA NIYA ANG RICE TARIFF LAW -- Ayon kay P-BBM, hindi raw siya papayag na sa kanyang administrasyon, ang pinakamahirap na hanapbuhay ay ang mga magsasaka, na ang nais niyang ipunto ay tutulungan daw ng kanyang gobyerno na maiahon sa kahirapan ang mga magsasaka sa ‘Pinas.


Kung totoong nasa puso ni P-BBM ang sinabi niyang ‘yan ay isa lang naman ang dapat niyang gawin at ito ay ang ipawalang-bisa na ang rice tariffication law na nagbigay pahintulot sa mga rice importer nang walang limit na pag-i-import ng bigas, kasi sa totoo lang, itong batas na ito (rice tariff law) ang pumapatay sa hanapbuhay ng mga magsasakang Pinoy, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page