Ex-P-Du30, binanatan sa concert… VICE, NAWALAN NG 1 M SUPPORTERS, ENDORSEMENTS IBOBOYKOT DIN NG DDS
- BULGAR

- Aug 12
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 12, 2025
Photo: Vice Ganda - IG
Bina-bash ngayon ng mga DDS supporters ang comedian/host na si Vice Ganda dahil sa ginawa nitong pagbanat sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ginanap na concert sa Araneta Coliseum kasama si Regine Velasquez.
Hindi raw katawa-tawa ang spiel ni Vice tungkol kay ex-PRRD. Maraming DDS supporters ang dismayado dahil sa ginawa nitong pagkutya at pambabastos sa dating pangulo na ngayon ay matanda na at may sakit.
Wala raw sa lugar at hindi napapanahon ang pagpapatawa ni Vice. Dahil sa ginawa niyang ito, isang araw pagkatapos ng kanyang concert sa Big Dome, nabawasan agad ng 1M ang kanyang followers sa Facebook (FB).
Nag-trending sa social media si Vice Ganda at tiyak na araw-araw ay mas marami pa ang bibitaw at hindi na hahanga sa kanya.
Nangunguna sa pagbatikos ngayon kay Vice Ganda si Harry Roque at tiyak na malaki ang impluwensiya niya sa mga DDS. May ilang grupo ng mga supporters ni ex-PRRD ang nagsabing ibo-boycott nila at hindi tatangkilikin ang mga produktong ineendorso ngayon ni Vice Ganda.
MAY latest update ngayon sa status ng kalusugan ni Kris Aquino. Nadagdagan na naman daw ang kanyang autoimmune disease at bumaba ang kanyang blood pressure, kaya kailangan niya ng intensive isolation at dapat na ilipat sa ibang lugar.
Iiwan na ni Kris ang private beach resort na kanyang tinirhan ng dalawang buwan. Ililipat siya sa kanilang family compound sa Tarlac. Doon siya ia-isolate for 6 months.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Kris sa lahat ng doktor, nurses at staff ng Makati Medical Center at St. Luke’s BGC sa kanilang pag-aalaga at malasakit sa kanya. Sasailalim sa kanyang bagong treatment si Kris habang nasa isolation.
Kasama pa rin niya ang kanyang mga anak na sina Bimby at Joshua pati na rin ang private nurse at doctors.
Nagpapasalamat din si Kris sa lahat ng taong patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling. Patuloy siyang lalaban at hindi susuko para sa kanyang mga anak at sa taong nagmamahal sa kanya.
MARAMI ang nagsasabing phenomenal ang pagsikat ng Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Shuvee Etrata dahil sa sobrang atensiyon na ibinibigay sa kanya ng lahat. Kung saan-saang TV shows na siya napapanood dahil sa kanyang kasikatan.
Well, patuloy ang dating ng mga offers sa kanya upang maging endorser. Ang kanyang mga fans ang gumastos nang malaki para sa kanyang billboard sa New York, USA at maging sa NAIA Terminal 3 ay may malaking billboard din si Shuvee na ginastusan ng kanyang mga tagahanga.
May gumawa rin ng Shuvee mascot at Shuvee dolls na mabenta sa mga fans. Ganunpaman, may ilang mga netizens naman ang nagsasabing overexposed na raw si Shuvee. Baka raw maumay na ang mga tao sa kanya at pagsawaan siya agad. Dapat ay hindi raw nakababad si Shuvee sa telebisyon. Okey na ‘yung mga mall shows to
promote her endorsements.
Well, kung dati ay pinagtatawanan at tinatawag si Shuvee na ‘Starlet ng Kamuning Network’, ngayon ay marami na ang humahanga sa kanyang ganda, talino at pagiging palaban. Hindi na siya mabu-bully at dededmahin ng ibang artista.
Samantala, may ilan naman ang nagpapayo na kailangan ni Shuvee na magabayan siya sa kanyang finances ngayong marami na siyang endorsements. Kailangan na may mag-manage ng kanyang kinikita upang matiyak na makakaipon siya para sa future ng kanyang pamilya.
For sure, hindi naman pababayaan si Shuvee Etrata ng GMA Network. Sisikat pa ito nang husto kapag naalagaan ang kanyang career.
Todo-displey sa socmed… P10 M DIAMOND RING NI BEA, BIGAY DAW NI VINCENT
TRUE kaya na P10 million ang halaga ng engagement ring na bigay ni Vincent Co kay Bea Alonzo?
Recently, may lumabas na post sa social media na idinispley ni Bea ang kanyang kamay na may suot na diamond ring at may caption na ito na raw ang pinakamahal na engagement ring na kanyang natanggap.
Pero may ilang mga netizens ang nagdududa dahil wala pa namang formal na announcement sina Bea at Vincent na engaged na sila. Kaya abangers ang lahat kung totoo o fake news ang tungkol sa P10M engagement ring ni Bea.
Pero ang totoong nakikita ng publiko ay madalas nang magkasama sina Bea at Vincent sa mga showbiz events. Sabay silang nanood noong concert nina Vice
Ganda at Regine Velasquez sa Araneta Coliseum.
Well, for sure, hindi na magpapa-hard to get si Bea Alonzo kapag inalok na siya ng
kasal ni Vincent Co. Pareho na silang nasa tamang edad at gusto na rin niyang bigyan ng apo ang kanyang Mommy Mary Anne.










Comments