Ex ni Nadine, tinilian uli ng fans… JAMES, NABUHAY ANG CAREER DAHIL SA BINI
- BULGAR

- Jul 10
- 5 min read
Updated: Jul 22
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 10, 2025
Photo File: James Reid at BINI - IG
Panalung-panalo ang ginanap na Puregold OPM Con 2025 last Saturday sa Philippine Arena, dahil sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, 30 thousand concertgoers ang nagpunta para mapanood ang pinakamalalaking bituin sa OPM ngayon – BINI, Flow G, G22, KAIA, SB19, Skusta Clee at SunKissed Lola.
Nagtakda ng panibagong tagumpay ang Puregold sa tuluy-tuloy nitong pag-angat sa industriya ng entertainment.
“Matagal na kaming naniniwala na ang koneksiyon namin sa mga tagapamili ay higit sa pamimili at pagbabayad sa checkout counter,” ayon kay Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.
“Ipinagpapasalamat naming malaman na sa pamamagitan ng Puregold OPM Con 2025, nakapagbigay kami sa aming mga tapat na miyembro ng hindi-malilimutang selebrasyon ng musika, talento, at pagmamalaking maging Pinoy sa napakalaking lebel,” dagdag pa niya.
Solb na solb nga ang mga nanood sa mahigit 3 oras na concert dahil tigli-limang kanta ang bawat OPM stars na sinimulan ng BINI na panalung-panalo ang energy sa stage.
Opening pa lang, buhay na buhay na ang Phil. Arena sa mga kanta ng walong BINI members. At lalong umingay nang biglang sumulpot at maka-collab pa nila sa isang song ang dating ka-love team ni Nadine Lustre na si James Reid.
It seems nabuhay nga uli ang career ni James na pansamantalang nagpahinga at mukhang na-miss siya ng mga fans kaya grabe ang sigawan sa collab nila ng BINI.
Iba’t ibang tao rin ang bumuo sa audience, katulad ng musikang handog sa pagdiriwang – mga araw-araw na mamimili katabi ang mga influencers at mga artista. Patunay lamang ito na ang musika, gaya ng Puregold, ay para sa iba’t ibang miyembro ng mga komunidad. Dahil sa mga ticket redemption na nangyari sa buong bansa, lumipad ang mga tagahanga sa iba’t ibang bahagi ng bansa, habang tumungo rin sa Pilipinas ang mga tagahanga mula sa Asya at UAE, para lamang maging bahagi ng selebrasyon.
Tuwang-tuwa naman ang mga nabigyan ng VIP experience kung saan may pa-soundcheck party pa bago ang mismong concert kaya parang 2 beses nilang napanood na mag-perform ang mga OPM stars that night.
Panalung-panalo rin ang mga nanood dahil nag-enjoy na sa Puregold OPM Con 2025, nakapag-uwi pa sila ng maraming freebies na mula sa mga brands na partners at sumuporta sa matagumpay na event na ito ng Puregold tulad ng Nestle Bear Brand, Nestle Chuckie, Great Taste, Jack 'n Jill, Cream-O, Coca-Cola, Nutriboost Kids, Nissin Wafer, Lucky Me!, Argentina, Angel, Tide, Safeguard, Cream Silk, Surf, Alaska, Doowee Donut, Del Monte Fruity Zing, Nestle Carnation, Nissin Noodles, Magnolia Cheezee, Purefoods, Champion, at Colgate.
Mula Luzon hanggang Mindanao, pinag-isa ng Puregold OPM Con 2025 ang mga Pilipino sa pagdiriwang ng identidad, Pinoy pride, at musika.
Ani Piedad, “Ang Puregold ay para sa pagbuo ng mga makabuluhang karanasan para sa pinagsisilbihan naming mga komunidad.”
Higit sa isang konsiyerto, naging matagumpay at pinakapinag-uusapang kaganapang pangmusika ng taon ang Puregold OPM Con 2025.
Sayang lang at nabitin ang mga fans na umaasang aakyat si Bea Alonzo sa stage para suportahan ang kanyang boyfriend na si Mr. Vincent Co na CEO ng Puregold. Lumabas man kasi ang dalawa sa concert, nandu’n lang sila sa first row na VIP area naupo at hindi rin nagtagal lalo nang magsigawan na ang mga tao.
But who knows, dahil sa successful concert na ito, maisipan uli ni Sir Vincent na magkaroon ng kasunod na ganito kabonggang concert, ‘di ba?
Anyway, congrats sa Puregold at sa lahat ng OPM artists na nag-perform sa Puregold OPM Con 2025.
Lucena mayor, kasamang nagbakasyon abroad…
DANIEL, TANGGAP NA MAY BAGO NANG DYOWA SI KATHRYN
Edited pero hindi fake ang kumalat na piktyur na magkasama si Kathryn Bernardo at ang rumored boyfriend niyang si Lucena Mayor Mark Alcala sa isang airport.
Ayon sa aming source na malapit kay Kathryn, totoong parehong nasa same airport that day (magkaiba lang ang time) sina Kathryn at Mayor Mark, pero hindi sila magkasamang umalis ng bansa.
ang source dahil pinagdikit daw ang dalawang photos na nakunan nang magkahiwalay sina Kathryn at Mayor Mark para palabasing magkasama silang umalis.
Pinipilit naming paaminin ang aming source sa real score kina Kathryn at Mayor Mark, pero ang sagot lang nito, hayaan nang mismong ang dalawa ang umamin at magkumpirma kung ano talaga ang meron sila.
Ang siste, may isang viral video clip ang ex-BF ni Kathryn na si Daniel Padilla kung saan kumakanta ito ng Umuwi Ka Na Baby ng Orange and Lemons sa thanksgiving party ng Incognito.
Sa linyang, “Hindi mapigilang mag-isip, na baka sa tagal, mahulog ang loob mo sa iba….” bigla raw nag-adlib si DJ (palayaw ni Daniel) ng “Congrats!”
Hmmm… Para kaya sa rumored relationship nina Kathryn at Mayor Mark ang pa-“congrats” ni Daniel?
Well, ang good news daw, on speaking terms at magka-text na uli ngayon sina Kathryn at Daniel. Pero kung balikan nga ang inaasahan ng KathNiel fans, wala sila sa ganu’ng level.
‘Yun na!
Kahit magpakasal pa raw…
RHIAN, GAME NA GAME PA RING MAKIPAGTIKIMAN SA IBANG LALAKI
First team-up nina Rhian Ramos at JC Santos ang pelikulang Meg & Ryan ng Pocket Media Productions na mula sa direksiyon ni Catherine Camarillo.
Kaya naman, naintriga ang entertainment press sa mediacon kahapon ng pelikula nang mapanood ang teaser ng Meg & Ryan kung saan may kissing scene sina Rhian at JC.
Pag-amin ng dalawa, pareho silang hindi komportable sa kissing scene lalo nga’t first time lang nilang nagsama sa movie. Pero dahil pareho silang professional at may matinding passion for their craft, nagawa nila nang maganda at nabigyan ng justice ang kanilang kissing scene.
Ipinaalam naman daw ni Rhian sa businessman boyfriend na si Sam Versoza ang kanilang gagawing kissing scene ni JC bago pa sila nag-shoot. Kahit daw kasi tanggap naman ni Sam ang trabaho niya bilang aktres dahil nakilala na siyang ganu’n ng BF, ayaw niya ‘yung magkagulatan sila na hindi sinasabi kay Sam at mapapanood na lang nito.
At maging si JC, sinabi rin sa kanyang non-showbiz wife ang tungkol sa kissing scene nila ni Rhian at nagpunta pa nga raw ito sa shooting nila para makilala ang kanyang bagong leading lady.
Samantala, dahil tapos na ang eleksiyon at bagama’t hindi pinalad na manalong mayor sa Maynila si SV, tinanong ng press si Rhian tungkol sa plano nilang pagpapakasal.
Ani ng aktres, sa ngayon talaga, dahil sunud-sunod ang blessings sa kanyang career this year, dito naka-focus ang attention niya at hindi pa raw niya naiisip ang kanyang dream wedding o maging ang pagkakaroon ng anak.
Kung darating daw ay darating at hindi naman siya ‘yung nagpaplano sa mga ganitong bagay.
Tinanong namin si Rhian kung puwede pa rin ba siyang makipag-kissing scene sa ibang leading man sakaling magpakasal na sila ni SV.
Paliwanag ng aktres, ayaw naman daw niyang makontrol ‘yung passion niya sa acting dahil nag-asawa siya. Kung may mga roles daw na kailangan pa rin ng kissing scene, maiintindihan at suportado raw siya ni Sam du’n bilang alam nga nito kung gaano kaimportante sa kanya ang pag-arte.
Samantala, sa August 6 na ang showing ng Meg & Ryan sa mga sinehan kung saan kasama rin sa cast sina Cedrick Juan, Ces Quesada, Cris Villanueva, Jef Gaitan and introducing J-mee Katanyag, Steven Bansil, Poca Osinaga & Alison Black.
















Comments