Ex ni McCoy, ‘di lang kina Kylie at Aljur… ELISSE, THIRD PARTY DIN DAW KINA SARAH AT RICHARD
- BULGAR

- Feb 26
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 26, 2026

Photo: Richard Gutierrez, Elisse Joson at Sarah Lahbati - IG FB
Hindi lang pala sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla nadadawit ang pangalan ni Elisse Joson kundi pati sa separation nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
May Facebook page na nag-post ng pictures nina Kylie at Aljur, Elisse at AJ Raval, ang bagong karelasyon ni AA (Aljur Abrenica) na may ganitong caption (as is):
“Ba’t si AJ Raval ang Binab4sh diba si Elisse Joson talaga yung nahuli ni Kylie Padilla!? Iyan nga ang Talak ng mga Netizens matapos mapanood ang nag-iiyak na si AJ Raval sa Interview nito kay Toni Gonzaga
“Elisse SA Kay Richard at Sarah Ikaw pati ba naman Kay Kylie at aljur? SI Elisse na nga ba Ang dahilan?”
Nag-ugat ito sa isyung pagde-deny kamakailan ni AJ na siya ang third party sa hiwalayang Kylie at Aljur. Aniya sa mga bashers, bakit siya ang binabanatan at ayaw tantanan ng masasakit na salita samantalang ‘yung girl daw na totoong dahilan ay nananahimik na ngayon.
Nagkasama sina Elisse at Aljur sa seryeng Sandugo na nagsimula nu’ng Sept. 30, 2019 na nagtapos nu’ng March 20, 2020, samantalang nagkahiwalay naman sina Kylie at Aljur nu’ng year 2021.
Una na rin pala itong idinenay ni Elisse, na ngayon ay hiwalay na rin kay McCoy de Leon.
Pero sa pagkakaugnay niya sa hiwalayang Sarah-Richard, sana ay mabigyang-linaw ito ni Elisse lalo’t hindi magandang nasasabit siya sa ganitong issue lalo’t may anak siyang babae.
Todo-displey na in public…
EDU, MILYONARYANG CEO ANG IPINALIT KAY CHERRY PIE
May bago na palang karelasyon ngayon ang mabait na TV host-actor na si Edu Manzano.
Kumalat sa social media ang photo ng daddy ni Luis Manzano habang ka-holding hands ang isang babae na hindi naman nalalayo sa edad nito sa isang public gathering.
Ayon sa isang source, Ann Cuisia ang name ng bagong GF ni Edu. Founder at CEO pala ito ng TraXion Tech Inc., isang kumpanyang nagpo-focus sa Web3 at blockchain innovations para sa financial inclusion.
Bukod dito, isa rin siyang anchor ng Peanut Gallery Media Network (PGMN), isang digital media startup na kilala sa unfiltered political commentary at alternative news content.
Inilarawan pa siya bilang “PGMN’s first tech anchor, legit tech genius, and entrepreneurial millionaire.”
Isinama siya ng TV host-actor sa EDSA 40 prayer rally na dinaluhan ng libu-libong katao. So, obviously, open na si Edu sa kanyang bagong GF.
Ayon sa isang source, ilang buwan pa lang ang relasyon ng dalawa. Pero bago pa man ang nasabing rally, madalas na raw isama ni Edu ang tech executive sa mga private events at espesyal na okasyong dinadaluhan niya.
Matatandaang bago ma-link kay Ann, ang huling nabalitaang nakarelasyon ni Edu ay ang aktres na si Cherry Pie Picache.
Ilan sa mga comments ng mga netizens na nabasa namin…
“My goodness, you’re not young anymore, dude.”
“May bago na naman siya, after a year or two, break na naman ulit. Pero in fairness, medyo mga kaedaran niya hilig niya. At least, hindi kagaya ng iba na mahilig sa bata.”
“Love wins talaga kahit umeedad na”
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kina Edu at Ann tungkol sa kanilang relasyon. Pero base sa mga larawang kumakalat at sa kanilang mga paglabas nang magkasama, mukhang hindi na rin naman kailangan ng mahabang paliwanagan pa.
MAY bagong single pala ang singer-songwriter na si Benjamin Angeles na tubong-Bulacan.
Tiyak na maaantig ang inyong mga puso sa bagong awitin ni Benjamin na pinamagatang One True Love under Curve Entertainment.
Ang madamdaming ballad na ito ay isang magandang ode ng kapangyarihan ng tunay na pag-ibig, na nagtatampok ng vocals at nakakaantig na lyrics na tatatak sa mga listeners at music lovers.
Ang One True Love ay patunay ng kahusayan ni Angeles sa paggawa ng mga kanta na nagbibigay-inspirasyon at nagpapasigla.
Si Benjamin Angeles ay isang Filipino Christian singer-songwriter na naglabas ng mga awiting Awit ng Puso, Sinasamba Kita, Iingatan Kita, Lord I Come, Walang Hanggan at For You I Am Living.
Ang kanyang album na Lord I Come ay umani ng 4.2 Million streams sa Spotify sa loob lamang ng anim na buwan mula nang ito ay inilabas.
Available na ngayon ang kantang One True Love sa lahat ng pangunahing digital music platforms kagaya ng Spotify, Apple Music, YouTube Music at iba pa.







Comments