Ex ni Kris, tatakbong konsehal… NETIZENS KAY JAMES: PREAMBLE NGA, 'DI MO MEMORIZED, EH!
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 07, 2021

Tatlo sa mga male celebrities na nagkaroon ng ugnayan kay Kris Aquino ang naghayag na ng kanilang intensiyon sa pagtakbo sa 2022 national elections.
Una na d’yan ang pinaka-recent na nahiwalay sa kanya, ang dating Quezon City mayor na si Herbert Bautista na tatakbo bilang senador.
Pangalawa, ang ama ng bunsong anak ni Kris at PBA player na si James Yap na naghahangad maging councilor sa San Juan.
At pangatlo ay ang aktor na si Robin Padilla, na gaya ni dating Mayor Bistek ay sasabak din sa pagka-senador.
Pahayag ni former Mayor Bistek, "Ito po ang kauna-unahang journey ko sa larangan ng public service after more than 3 decades of serving the people of Quezon City."
Tatakbo naman si James sa ilalim ng incumbent mayor ng San Juan na si Francis Zamora na susubok din for his second term sa 2022 elections.
Bukod kay James, may iba pang basketball players na tatakbo sa San Juan as part of Zamora’s line-up.
Kabilang d’yan ang dating professional players na sina Don Allado, Paul Artadi, Ervic Vijandre and Macky Mathay.
Sa pagtakbo ni James, naisip agad ng mga netizens na magreretiro na siya sa basketball.
Pero nilinaw ni James na tuloy pa rin daw ang paglalaro niya sa PBA. Nagpaalam daw siya sa PBA at management ng kanyang team na Rain or Shine. Puwede naman daw siyang maglaro at the same time maging public servant.
Tantiya ni James, mga isang taon pa raw siya maglalaro sa PBA.
Sabi ni James, gusto niyang makapagbigay ng inspirasyon sa mga bata, especially sa mga gustong maging athlete para makapag-share sa kanila ng mga karanasan niya.
Naririnig kaya ni James ang sinasabi niya? Hindi kaya mapa-ehem si Kris sa statement ni James?
Reaksiyon naman ng mga netizens, “Hanep. Walang background sa public service, kumukuha na ng security at passive income, haha! Isang buong team yata nag-file ng candidacy.”
"I'm sorry pero sa paglalaro ka na lang ng bola, utang na loob. Preamble nga, 'di mo memorized, eh. Hindi ito buhay college na privileged kayo."
“Retirement (or back-up) plan (or option) career ng mga artista at atleta ang pulitika.”
And lastly, susubukan ulit ni Robin na pasukin ang politics. Siyempre, sa partido nina Pangulong Duterte at Sen. Bong Go.
Gaya ni Robin, tatakbo ulit ang kapatid niya at tatay ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla bilang representative ng Nueva Ecija. Last election, ‘lotlot’ si Rommel kahit ikinampanya pa siya ni Daniel.
Puna ng mga netizens kay Robin, “Robin Padilla has failed on giving advice to her daughter about how men treat women and now how can he lead people to the right way?? Seriously??”
May mga nag-comment din asking kung ano ang gagawin ni Robin sa Senate.
“Sorry, but what is Robin Padilla going to do in the Senate?"
“PUMAPEL!!!! AASTANG MAY ALAM. AASTANG MAKAKATULONG. AASTANG EWAN!!!!!”
“Mag-demo ng self swab test.”
“Magbaril-barilan sa loob ng Senado."
Hala… grabe sila, oh!





Comments