top of page

Ex ni Barbie, tagapunas ng pawis ng ex ni Aljur… KYLIE AT JAK, TODO-LAMBINGAN IN PUBLIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 9, 2026



BIDA - KYLIE AT JAK, TODO-LAMBINGAN IN PUBLIC_FB Donna Manuel Roberto II

Photo: FB Donna Manuel Roberto II / Circulated



Kung magdyowa lang sina Kylie Padilla at Jak Roberto, iisiping very sweet sila at sabi pa nga ng mga fans, panay ang PDA o public display of affection. 


Magkasama sila sa Firewall, ang bagong action series ng GMA, at sa taping ay nakikita ng kasama sa cast at production ang kanilang sweetness.


Sa latest photo ng dalawa, hawak ni Jak ang kamay ni Kylie. Hindi lang malinaw kung feel lang niyang hawakan ang kamay ng co-star o minamasahe ni Jak, basta marami ang kinilig. Layag na layag na nga raw ang JakLie love team.


Maaalalang sa taping din ng Firewall, nakunan ng video na pinupunasan ni Jak ng pawis ang mukha ni Kylie. Pati nga leeg, umabot ang pagpupunas ng aktor kay Kylie at hinayaan lang siya ng aktres.


Biro ng mga netizens, hindi raw ba kaya ni Kylie na punasan ang sariling mukha at leeg at kailangang si Jak pa ang gumawa? 


Ganting biro ng ibang mga fans, inggit lang daw ang nag-comment at walang nagpupunas sa kanya.


Naalala namin, nagsimulang ma-link sina Kylie Padilla at Jak Roberto nang magkasama sa afternoon series ng GMA na My Father’s Wife (MFW). Doon pa lang, marami na ang kinilig sa kanila at dala-dala nila ‘yun dito sa bago nilang project.





WALA sina Romnick Sarmenta at Harvey Bautista sa sneak peek ng pilot episode ng Drug War: A Conspiracy of Silence (DWACOS) kaya hindi sila na-congratulate ng media sa husay na ipinakita sa kani-kanilang role. 


May shooting daw si Romnick ng isa niyang pelikula at si Harvey ay nasa Amerika. Gumaganap silang mag-ama sa six-part crime drama series.


Noon pa mahusay na aktor si Romnick. Si Harvey ay dito lang namin napanood at we were impressed, pati ang ibang media. 


Ang biruan nga ng mga press, mas magaling si Harvey kaysa sa dad niyang si Herbert Bautista.


Ginagampanan ni Harvey ang role ni Kiko Agustin, isang drug addict, at sa pilot episode at sa mga susunod na episodes ng series ay buhay pa siya. 


Sa nabasa naming synopsis, mamamatay ang karakter niya kaya gusto tuloy naming malaman at mapanood ang episode na papatayin siya.


Produced ng Rein Entertainment at ka-collab ng KC Global Media ang Filipino crime drama written and directed by Shugo Praico. 


Ang tapang ng material at may nagtanong nga kung hindi kaya ito ma-TRO (Temporary Restraining Order). Kaya lang, sa streaming platform ito mapapanood at hindi sa mga cinemas.


Sana rin, maabot ng mga producers ang kanilang goal na ma-screen ito globally. ‘Immersive’ ang description ni Ian Veneracion sa series at mararamdaman ito ng mga makakapanood. 


This is a must-watch project, panoorin ninyo once it streams.





Gustong maging guest, maka-Kathryn naman…

ASHTINE, GINAGAMIT DAW SI SARAH PARA BUMENTA ANG CONCERT



MAY isyu pala sa nabanggit ni Ashtine Olviga sa presscon niya na gusto sana niyang maging guest si Sarah Geronimo sa upcoming concert niyang Love Like Ashtine

May nag-react na in an earlier interview, pinili raw ni Ashtine si Kathryn Bernardo over Sarah G.


Inakusahan nitong echosera si Ashtine at ginagamit si Sarah para kumita ang kanyang concert. 


To the rescue agad ang mga fans ni Ashtine. Concert daw ang isyu at tinanong ang aktres kung sino ang gusto niyang guest at si Sarah nga ang isinagot.


Baka ang tanong kay Ashtine na si Kathryn ang isinagot ay kung sino ang gusto niyang makasama sa acting project. Magkaiba raw ang acting sa concert at tama lang ang sagot niya. 


Wala siyang ginagamit para makabenta ng tickets sa kanyang concert.

And speaking of tickets sa concert ni Ashtine on August 22, 2026 at the New Frontier Theater, sa May 15 magiging available ang tickets sa mga gustong maunang bumili online. 


Nabasa nga namin na umaga pa lang ay bibili na ang mga fans nito para secured na ang tiket nila sa concert. 


Kahit may mga namamahalan sa ticket price, bibili at manonood pa rin sila.

Ang concert at ang promo ng single niyang Love Like U ang nagpapa-busy kay Ashtine Olviga ngayon. Dream nitong makapag-release ng EP (extended play) at for sure, hindi siya bibiguin ni Vic del Rosario at ng Viva Records.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page