top of page

Ex mo, Richard, super bongga! SARAH, DESIDIDONG BILHIN ANG P349 M APARTMENT SA PARIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 8, 2026



Kahit Muslim ang mister na si Robin…
MARIEL, GINAWA LAHAT NG TRADISYON SA MAHAL NA ARAW

Photo: IG Sarah Lahbati



Pangarap na makabili ng mamahaling apartment sa Paris ang ex-misis ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.


Kamakailan ay napanood ang Kapuso actress na naglilibot sa isang marangyang apartment sa Paris nang lumabas siya sa Netflix reality series na The Parisian Agency: Exclusive Properties (TPAEP).


Ang ari-arian, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang €4.75 milyon (Euro) o P349 milyon, ay pasok sa kanyang €5 milyong budget. Wish ni Sarah na balang-araw ay makapag-aral sa Europa ang dalawa nilang anak ni Chard.


Sa buong episode, halos Pranses ang usapan nila ng host na si Valentin Kretz habang nililibot ang apartment na nasa sentro ng lungsod.


Ani Kretz, “Napagpasyahan kong ipakita sa kanya ang isang apartment na parang Parisian dahil ‘yun ang hinahanap ng 95% ng mga mamimili sa ibang bansa.”


Ang 165-metro kuwadradong ari-arian ay may apat na silid, kabilang ang isang pangunahing silid-tulugan na may walk-in closet. Ito ay ini-renovate ng designer na si Virginie Renaut, na nagpanatili sa orihinal na katangian ng bahay habang binibigyan ito ng moderno at artistikong dating.


“Babalik ako sa Maynila bukas at gusto ko talagang makita ng nanay at mga anak ko ang apartment,” sey ni Sarah.


Aniya pa, “Maganda ang kutob ko tungkol sa apartment na ‘to. Magkikita tayo pagbalik ko sa Paris.”

Bongga!





Kahit Muslim ang mister na si Robin…

MARIEL, GINAWA LAHAT NG TRADISYON SA MAHAL NA ARAW



IBINAHAGI ni Mariel Padilla ang kanilang pagninilay bilang pamilya sa Holy Week.

Sa isang madamdaming post, ipinahayag ng TV host ang kanyang pasasalamat sa pagsasabuhay ng pananampalataya kasama ang mga miyembro ng pamilya na may iba’t ibang relihiyon.


“Sa pamilyang Padilla, lahat ng pananampalataya ay niyayakap nang may paggalang at pag-unawa—mga Muslim, Saksi ni Jehova, Buddhist, at Katoliko na nagkakaisa. Ngayong Mahal na Araw, lubos akong nagpapasalamat na maisabuhay ko ang aking pananampalataya kasama sina Ate Rowena, Kuya Thad at Analyn. 


“Mula sa paghuhugas ng paa, Visita Iglesia sa Katedral-Dambana ng Mabuting Pastol, Parokya ni Maria Reyna, Parokya ng Banal na Tagapagligtas, Parokya ng Banal na Trinidad, Parokya ni San Pedro – Dambana ng mga Pinuno, Parokya ni San Benedicto, at Parokya ng Mahal na Birhen ng Consolation, hanggang sa Pagdiriwang ng Pasyon ng Panginoon, Istasyon ng Krus, Salubong at Misa ng Pasko ng Pagkabuhay, nagawa namin ang lahat ng ito.


“Ito ang unang pagkakataon na lubos ko itong naranasan muli bilang isang nasa hustong gulang, isang paalala ng tunay na diwa ng Mahal na Araw,” pahayag ni Mariel. 


Well, mukhang okey lang sa mister niyang si Sen. Robin Padilla na isang Muslim ang pananampalatayang ito ng misis niyang si Mariel Rodriguez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page