Ex-mister, mahal na mahal daw… CARLA, 7 TAON NAGTIIS SA UGALI NI TOM, 3 BUWAN LANG AFTER NG KASAL, NAKIPAGHIWALAY NA
- BULGAR

- Jun 11
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 11, 20255
Photo: Carla Abellana - IG
Marami ang nag-react sa naging pahayag ni Carla Abellana na pitong taon niyang tiniis ang hindi magandang relasyon nila ni Tom Rodriguez bago sila ikasal.
Malaking pagdurusa ang naranasan niya dahil sa panahon na magkarelasyon sila ay bawal siyang magalit, magtampo at magreklamo.
Tiniis daw ni Carla ang lahat dahil mahal na mahal niya si Tom. Pero 3 buwan lang matapos ang kanilang kasal ay nagdesisyon si Carla na makipaghiwalay na.
January, 2022 nang tuluyang maghiwalay sina Carla at Tom. Mahigit dalawang taong namalagi sa USA si Tom at wala silang naging komunikasyon.
Naungkat lang ulit ngayon ang kanilang nakaraan dahil sa paglalantad ni Tom sa bago niyang karelasyon at sa kanilang anak.
Walang galit at panunumbat na narinig kay Carla laban sa dati niyang mister. At dahil sa kanilang failed marriage ay hindi na raw naiisip pa ni Carla ang muling magpakasal sakaling makatagpo ng bagong pag-ibig dahil traumatic para sa aktres ang naranasan sa piling ni Tom Rodriguez.
Dahil sa mga lumabas na wedding photos nina Shaira Diaz at Edgar Allan (EA) Guzman sa social media, bumuhos ang mga pagbati mula sa kanilang mga kaibigan at kakilala.
Kaya naman, agad na nilinaw ni Shaira na hindi totoong nagpakasal na sila ni EA dahil sa August pa naka-schedule ang kanilang church wedding.
Ang mga wedding photos na lumabas ay para lang sa promo ng Honor Phils. at sila ang kinuhang ambassadors.
Abalang-abala ngayon sina Shaira at EA sa preparasyon ng kanilang kasal dahil tatlo ang prenup shoots na kanilang gagawin. Isa ay kinunan pa sa South Korea sa kahilingan na rin ni Shaira na certified K-drama fanatic.
Pati ang kanyang wedding dress na isusuot sa kasal ay sa Korea pa binili.
Larawan ng masayang soon-to-be bride si Shaira Diaz.
Well, regular pa rin siyang napapanood sa programang Unang Hirit (UH) ng GMA-7. Malaki rin ang kanyang role sa action seryeng Lolong na malapit na ring magtapos.
DALAWAMPUNG taon na ang lumipas nang mapanood sa GMA Network ang fantaseryeng Encantadia na pinagbidahan noon nina Iza Calzado, Diana Zubiri, Sunshine Dizon at Karylle.
Noong 2016 ay muling nagkaroon ng version na ang major cast ay sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez, kasama si Mikee Quintos.
Kaya nanabik ang mga viewers sa pagbabalik ng Encantadia na mas pinalaki at ginastusan nang husto. Bongga ang mga costumes at mga bagong batch ng Kapuso stars na magsisiganap sa pangunguna nina Bianca Umali, Angel Guardian, Faith da Silva, Kelvin Miranda, atbp..
Si Julie Anne San Jose ang kumanta ng theme song ng Encantadia, ang Bagong Tadhana (BT).
Ibang-iba ang concept ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) kaya masuwerte ang mga Kapuso stars na napiling magsiganap sa mga bagong characters.
Ang ECS ay mula sa direksiyon nina Rico Gutierrez at Enzo Williams.










Comments