top of page

Ex-mayor na mula sa MM, sobrang babaero at wa’ paki sa dagdag na mga anak sa labas...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2020
  • 2 min read

esmi pinatakbong mayor para maging busy, wa’ na paki sa mister basta ‘wag pahuhuli

ni Chit Luna - @Yari Ka! | September 8, 2020


Matapos ang kahihiyan sa social media, natutunan na ng ating bida na ‘ex-mayor’ ang pagtago sa kanyang mga karelasyon.


Isang malaking leksiyon sa dating alkalde mula sa NCR ang pagkalat ng kanyang litrato kasama ang girlfriend nito—at ang naturang litrato ay nagdulot ng malaking kahihiyan sa kanilang pamilya.


Bakit kanyo? Aba, makikita lang naman sa naturang larawan kung saan ang sobrang bagets na babae ay nakakandong kay ex-mayor na parang katatapos lang ng kanilang pagla-loving-loving.


Ilang araw lamang tumagal ang post sa social media at minabuti na ng kanilang pamilya na dalhin ang mga anak sa America upang hindi nila ito makita.


Upang tuluyan nang mawala ang isyu, minabuti ng PR man ni ex-mayor na patigilin ang patuloy na paglabas ng naturang litrato.


Napag-alamang mismong ina pala ng babae ni ex-mayor ang nag-post sa social media. Proud kasi si mommy na ang anak niya ay girlfriend ng dating alkalde. Ngek!


May kuwento rin sa kanilang lugar na noong kabataan ni ex-mayor nagkaroon ito ng karelasyong serbidora ng kanilang canteen kahit pa kasal na kay misis.


Ngunit dahil may mga loyal kay misis, nakarating sa kanya ang chismis, kaya surprise... nahuli sa akto si mister! Nakatikim ang ating chickboy na bida ng sapak sa kanyang misis.


Sa dami ng mga babae ni ex-mayor, sobrang pagtitiis ang ginawa ni esmi pero dumating daw sa punto na gusto na siyang hiwalayan ng asawa.


Ngunit para maisalba ang relasyon ng dalawa, nanghimasok na ang tatay ni ex-mayor na gawing mayor si misis.


Naging mayor na nga si misis at naging busy kaya nagkaroon na naman ng pagkakataon ang chickboy na mister na ipagpatuloy ang kalokohan at pambababae.


Gayunman, balewala na ito kay mayor, basta ‘wag lang mahuhuli.


Pero ang masaklap, tulad ng ibang babaero d’yan ay dumarami na raw ang anak nito sa labas. Paktay!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page