top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ex-Mayor Bistek, malamang na maghimas-rehas!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 17, 2024


HIRIT NI EX-MAYOR BISTEK, IBINASURA NG SANDIGANBAYAN KAYA MALAMANG MA-SWAK NA SIYA SA SELDA -- Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista na idismis ang mga kasong graft na isinampa sa kanya kaugnay sa P32.1 million processing system scam noong 2019.


Dahil ni-reject ng Sandiganbayan ang hirit ni Bistek ay asahan nang malapit-lapit nang maswak sa selda ang dating mayor ng QC, period!


◘◘◘


SANA ALL NG CONG. TULAD NI CONG. MANUEL, NAKAPAGPASA NG BATAS SA KAPAKANAN NG MAMAMAYAN, ‘DI TULAD NG IBANG CONG., INIISIP MAGKA-PET PROJECTS -- Ganap nang batas ang panukalang “No Permit, No Exam Prohibition Act” ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel matapos na ito ay lagdaan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Nakasaad sa batas na ito na dapat payagan ng mga pribado at pampublikong eskwelahan na kumuha ng exam ang mga mag-aaral kahit na may kulang pa sila sa tuition at iba pang bayarin sa mga paaralan. 


Sana all ng congressman ay tulad ni Cong. Manuel na nag-iisip ng mga panukalang batas na makakatulong sa mamamayan, kasi sa totoo lang, karamihan sa mga cong. ang iniisip ay magka-“pet projects”, na ayon kay former Sen. Ping Lacson, itong “pet projects” ang ipinalit sa pangalang “pork barrel fund”, boom!


◘◘◘


MILYUN-MILYONG MAG-AARAL, MABIBIYAYAAN SA BATAS NI CONG. MANUEL, PERO KAPAG KUMANDIDATO SIYANG SENADOR TALO SIYA DAHIL MAS IBOBOTO NG MAJORITY PINOY ANG MGA PORK BARREL POLITICIANS -- Good news iyang batas ni Cong. Manuel na “No Permit, No Exam Prohibition Act” dahil ang mabibiyayaan nito ay milyun-milyong mag-aaral sa elementarya, high school at kolehiyo na may ‘utang’ sa mga paaralan at malaking tulong din ito sa mga parents upang hindi sila ma-pressure kapag may exam na sa eskwelahan ang kanilang mga anak.


Pero, may bad news pa rin kasi kapag dumating ang panahon na nasa tamang edad (35 years old) na si Cong. Manuel at kumandidato siya sa pagka-senador, tiyak talo ang aabutin niya dahil ang mas gustong iboto ng majority Pinoy ay iyong mga pork barrel politician at mga sikat na personalidad na gustong magka-pork barrel, period!


◘◘◘


QUIBOLOY LULUSOT SA ARREST ORDER NG SENADO, PERO SA KAMARA HINDI DAHIL MAY ARREST ORDER NA LABAN SA KANYA -- Kung sa Senado ay may mga tagapagtanggol si Pastor Apollo Quiboloy upang hindi siya ma-contempt at nag-aalangan si Senate President Migz Zubiri na mag-isyu ng arrest order laban sa pastor na nang-iisnab sa imbestigasyon ng komite ni Sen. Risa Hontiveros kaugnay sa mga kinasasangkutang nito kasong rape, sexual abuse at child sex trafficking, sa Kamara ay wala kahit isang kongresista ang nagtanggol sa pastor para tutulan ang arrest order sa kanya sa hindi niya pagsipot sa House hearing tungkol sa mga paglabag sa prangkisa ng SMNI network na pag-aari ng kanyang sekta.


Ang nais nating ipunto rito, kung makakalusot man sa arrest order ng Senado si Quiboloy, eh sa Kamara ay hindi, kasi naglabas na ng arrest order si Speaker Martin Romualdez at inutusan na ang PNP para siya ay dakpin at bitbitin papasok sa House of Representatives, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page