Search
  • BULGAR

Ex-Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, bagong MMDA Chairman

ni Thea Janica Teh | January 11, 2021





Itinalaga na bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si dating Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos nitong Linggo, ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia.


Pinalitan ni Abalos si retired General Danilo Lim na pumanaw nitong Miyerkules, Enero 6 dahil sa COVID-19. Nahalal bilang mayor ng Mandaluyong City si Abalos simula 1998 hanggang 2004 at 2007 hanggang 2016.


Siya ay pinalitan sa puwesto ng kanyang asawa na si Carmelita Abalos na na-reelect noong 2019.


Matatandaang umupo rin bilang chairman ng MMDA ang ama ni Abalos na si Benjamin Abalos Sr. simula 2001 hanggang 2002.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.