Ex-GF, ngayong kasal na… GERALD AT DOMINIC, INAABANGAN ANG PAGBATI KAY BEA
- BULGAR

- 8 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 18, 2026

Photo: IG _andersongeraldjr & _dominicroque _bealaonzo
Sobra ang tuwa ni Heart Evangelista nang magkita sila ni Bea Alonzo sa Aivee Clinic.
Nagyakapan sila at binati ni Heart ang bagong bride.
Lahat ng kaibigang artista ni Bea ay masayang-masaya sa kanilang pagpapakasal ni Vincent Co. Matapos maudlot ang kanilang kasal sa Spain noong Mayo, marami ang dumamay at nakisimpatya sa aktres.
Maging ang buong cast at crew ng Whispers from Heaven (WFH) ay masayang bumati nang dumating siya sa taping ng serye.
May inihanda rin silang bouquet of flowers para kay Bea Alonzo.
Ang hinihintay ngayon ng lahat ay ang reaksiyon o pagbati ni John Lloyd Cruz at ng kanyang mga ex-boyfriends na sina Gerald Anderson at Dominic Roque.
Well, tulad ng sinabi ni Vincent Co noong kanilang kasal, wala munang honeymoon dahil pareho silang busy ni Bea. Back to work muna sila dahil may mga commitments pa silang dapat tapusin.
Marami sa mga fans ni Maja Salvador ang nag-react sa mga ibinibigay na projects ngayon sa kanilang idolo.
Bakit daw nang mag-asawa at magkaanak ang aktres ay dumalang na ang kanyang shows? Bakit hindi na siya nabibigyan ng lead role sa serye? Bakit ang ibang aktres na nakasabayan niya na nag-asawa na rin ay hindi bumaba ang kasikatan?
Magaling namang artista si Maja. Hindi lang siya pang-love team. Puwede siya sa seryoso at mature na role.
Ang nangyayari kasi ngayon ay parang nagsisimula siyang muli sa kanyang career.
Sana ay maalagaan muli ang career ni Maja dahil isa siya sa magagaling at puwedeng magtagal na artista tulad nina Vilma Santos, Lorna Tolentino, Amy Austria, Aiko Melendez, Judy Ann Santos, atbp..
NAGBABALIK sa pagpo-produce ang Cine Suerte Inc. ni Ben Yalung. Tapos na nilang gawin ang pelikulang Teresing: The Lipa Miracle na tampok sina Cherry Pie Picache, Lloyd Samartino, Epi Quizon, atbp.. Si Ben din ang direktor ng movie.
Dati nang nag-produce ng mga religious movies ang Cine Suerte tulad ng Kristo, na pinagbidahan ni Matt Ranillo III, Birhen ng Manaoag, Ama Namin, at Divine Mercy: Sa Buhay ni Sister Faustina na bida si Christopher de Leon.
Ang mga unang movies na ginawa noon ni Ben ay mga action films. Pero nang maging bahagi na siya ng Oasis of Love, mga religious movies na ang kanyang ginawa.
At the age of 80, malakas pa ring magdirek si Ben. At katuwang niya ngayon ang panganay niyang anak na si Benedict Yalung.
MARAMI ang nagtataka kung bakit, sa kabila ng pagkakaroon niya ng successful na resto business sa Angeles, Pampanga ay nagagawa pa rin ni Janna Dominguez ang mapabilang sa sitcom na Pepito Manaloto (PM).
Siya ang gumaganap bilang isa sa mga kasambahay nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.). Magkasama sila rito ni Mosang.
Marami rin ang naaaliw sa character ni Janna na medyo mahina ang ulo, pero may hatid na comedy. Madalas ay kontrapelo sila ni Mosang dahil hindi niya agad ma-gets ang mga iniuutos sa kanya.
Kung tutuusin, hindi na kailangan ni Janna Dominguez ang mag-showbiz pa. Kumikita naman ang kanyang resto sa Angeles, Pampanga. Masaya rin ang kanyang family life dahil sa mga anak nila ng dating aktor na si Mickey Ablan, na ex-BF ni Iwa Moto.
Dating sexy star si Janna, kaya marami ang nagtataka kung bakit tumanggap siya ng role bilang kasambahay.
Anyway, maging si Mosang ay may food business din. Maaaring passion lang nila ni Janna ang pag-arte kaya hindi nila maiwan-iwan ang buhay-showbiz.





Comments