top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ex-gf na labs pa rin, may chance pang makatuluyan kahit may ibang bf na

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 04, 2022


Dear Maestro,


Halos apat na taon ang relasyon namin ng ex-girlfriend ko, pero dahil walang napag-uusapang kasal, nagkasawaan kami at tuluyang naghiwalay. Pangarap niya raw kasing maikasal kami at maiharap ko siya sa altar.


Noong una, okey lang sa akin dahil sa isip-isip ko, lalaki ako at walang mawawala sa akin at sa halip, siya ang lugi dahil maraming beses nang may nangyari sa amin. To make the long story short, Maestro, nakipagrelasyon ako sa iba’t ibang babae, habang siya naman ay nakipagrelasyon na rin sa ibang lalaki. ‘Yun nga lang, marami akong naging girlfriend, pero hindi ako naging masaya, malayong-malayo sila sa ex-GF ko na napakabait, masipag at walang ibang iniisip kundi ang future naming dalawa.


Para sa akin, siya ang the best sa lahat ng naging girlfriend ko, kaya naisip kong hanapin siya para makipagbalikan. Pero nang matagpuan ko siya at nag-usap kami, ang sabi niya ay masaya na siya sa kasalukuyan niyang boyfriend. Bagay na labis na ikinasama ng loob ko at hindi ko matanggap, ‘yun bang kung kailan mo natuklasang mahalaga pala sa iyo ang isang tao, saka pa siya tuluyang nawala. Gusto kong malaman kung may pag-asa pa bang magkabalikan kami at muling mapagdugtong ang aming dating relasyon? Gayundin, nangangako na ako sa kanya na kung pagbibigyan niya akong muli ay pakakasalan ko agad siya. November 19, 1989 ang birthday ko habang July 2, 1993 naman ang ex-girlfriend ko.



Umaasa,


Osmond ng Paltok, Frisco, SFDM

Dear Osmond,


Minsan, tama ang kasabihang, “Nasa huli ang pagsisisi,” at ang kasabihang ‘yan ay nangyari sa buhay mo, kung saan ang babaeng hinayaan mong mawala ay huli na nang matuklasan mong the best pala siya, dahil naranasan mong makipagrelasyon sa kung kani-kaninong babae, ngunit hindi ka naging maligaya sa kanila, sa halip, ang ex-GF mo pa rin ang iyong hinahanap-hanap.


Ano pa ngang magagawa mo kung sabi nga sa iyo ng ex mo ay maligaya na siya sa kasalukuyan niyang nobyo? Mayroon pa naman, at ito ay may maliit na chances na lang kung saan kung malalaman mo kung ano ang zodiac sign at birth date ng kasalukuyan niyang boyfriend.


Pansinin mo, ikaw ay Scorpio, habang ang ex-GF mo ay Cancer, habang ang birth date mong 19 ay suweto sa birth date niyang 2. Ibig sabihin, kahit naghiwalay kayo, compatible pa rin naman kayo sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, kaya umabot ng halos apat na taon ang inyong relasyon bago ito tuluyang nauwi sa hiwalayan.


Sa madaling salita, kahit break na kayo, tulad ng nasabi na, hindi pa rin nawawala ang pagiging compatible n’yo sa isa’t isa at ang maganda pa rito, hindi pa rin nawawala ang pinagsamahan n’yo kaya nagagawa n’yo pa ring mag-usap.


Ngayon, kung ang kasalukuyan niyang boyfriend ay hindi naman under sa zodiac sign na water elements, tulad ng Scorpio, Pisces at kapwa niya Cancer, at hindi rin under sa earth type na zodiac sign na Virgo at Taurus, tulad ng naipaliwanag na, ‘yun na lang ang pag-asa mo na muli kayong magkakabalikan.


Subalit, tulad ng naipaliwanag na, kung water type sign ang zodiac sign ng kasalukuyan niyang BF o Virgo o Taurus at nagkataon pang 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29 ang birthday, wala ka nang magagawa kundi tanggapin na lang ang katotohanan — na kung hindi ka nagkamali ng pasya, ang masaya at okey na relasyon sa karapat-dapat na babae na iyo sanang nakatuluyan at kasama sa habambuhay na pagbuo ng maunlad at maligayang pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page