ni Julie Bonifacio @Winner | September 15, 2024
Nagpahayag na ng kanyang saloobin si Batangas Vice-Governor Marc Leviste sa pagbabalik sa Pilipinas ng kanyang ex-girlfriend at Queen of All Media na si Kris Aquino sa socmed (social media).
Nag-post ng art card si Marc sa kanyang Facebook (FB) account at story sa Instagram (IG) na may color pink na background at kanta ni Bruno Mars na Count On Me.
Mensahe ni Marc, “I am glad that Kris is finally home, and I'm equally happy for her family, friends, and fans that our Queen is back at long last.
“However, it breaks my heart to see someone I deeply care about facing such a difficult battle.
“Her strength and resilience have always amazed me, at alam ko na gagawin n’ya ang lahat upang hindi sumuko at patuloy na lumaban at protektahan ang kanyang kalusugan.
“As Kris prepares for her second immunosuppressant infusion and spends time with her sisters and relatives, I pray for her healing, comfort, and peace.
“Now, more than ever, she needs the unwavering love and support of her loved ones. My sister and I are here for her, offering all the encouragement we can (yellow heart emoji).”
Past 5 PM din kahapon ay muli naming binalikan ang IG Story at FB post ni VG Marc.
Deleted na ang mensahe na ‘yan ni Marc sa kanyang post sa socmed.
We can’t help tuloy na magtaka kung bakit biglang nawala ang mensahe ni Marc para kay Kris sa kanyang socmed accounts. But the rest of the stories sa naunang post niya na kasama ang mensahe niya kay Kris ay nandoon pa lahat.
Two things ang duda namin. Number one, idinelete niya ang mensahe niya kay Kris dahil pinagsabihan si Marc ng nanay nina Josh at Bimby na tigil-tigilan na siya dahil matagal na silang wala? Respeto na rin sa bagong boyfriend ni Kris and more so, tigilan na ang “use in a sentence” sa kanya ng pulitiko mula sa Batangas.
Pangalawa, baka marami nang natanggap na bashing o umiiwas na siya sa pamba-bash na maaari niyang matikman mula sa mga netizens especially sa mga fans/followers ni Kris Aquino?
May iba pa kayang dahilan?
Komentar