top of page

Ex-GF, ibinilin na alagaan… JAK, BOTO KAY JAMESON PARA KAY BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 7, 2025



Photo: Jak Roberto - IG



Boto naman pala si Jak Roberto kay Jameson Blake na nali-link ngayon sa ex-girlfriend niyang si Barbie Forteza.


Sa panayam kay Jak ng 24-Oras ay nahingan siya ng reaksiyon tungkol sa rumored relationship nina Barbie at Jameson at very sport naman siya about it. 

Sey niya ay bagay ang dalawa.


“Bagay, bagay. Saka, it’s about time,” sambit ni Jak.


Sinabi rin niyang nagkausap na sila ni Jameson tungkol dito at binilinan niya pa nga raw ito na alagaan si Barbie.


“Alam mo, si Barbie, sabi ko kay Jameson, ‘Kung ready ka na,’ – kasi may deep talks kami ni Jameson. And sabi ko sa kanya, ‘Mabait si Barbie, alagaan mo lang,’” kuwento ni Jak.


Lalong tumindi ang espekulasyon na talagang nagkakamabutihan na sina Barbie at Jameson matapos silang mamataang magka-holding hands sa GMA Gala 2025.


Nakapanayam din ng 24-Oras si Jameson sa blue carpet ng GMA Gala 2025 at natanong ang aktor sa totoong estado nila ni Barbie.


“Well, I would just say na we’re just enjoying each other’s company. She’s a really good person, and ‘yun, we have common interests,” saad ni Jameson.


Diretso siyang tinanong ni Nelson Canlas kung may namamagitan na ba sa kanila ni Barbie Forteza at natawa ang aktor at saka sinabing “No comment.”

‘Yun na!



PATOK na patok sa online world ang kilig na handog nina Anji Salvacion at Gelo Rivera sa unang YouTube (YT) original movie ng ABS-CBN na The Four Bad Boys and Me (TFBBAM) matapos itong magtala ng isang milyong views sa naturang platform sa loob lamang ng apat na araw at trending din ito sa Pilipinas sa X (dating Twitter).


Number one rin ang pelikula sa iWant kung saan pinagbibidahan din ito nina Harvey Bautista, Dustine Mayores, at River Joseph.


Inulan ng papuri ang pelikula, na hango sa sikat na Wattpad novel ng blue\_maiden, para sa overload na good vibes at kilig na napapanood dito. 

Ayon sa mga manonood, swak na swak ang high school feels nito at napapabalik sila sa mga panahong teen-ager pa sila.


Pinuri ito ng movie review page na ‘Maganda Ba?’ at sinabing, “It’s that kind of feel-good flick that reminds us all of our own teenage stories... sweet, awkward, funny, and a little bit magical.”


Magagandang salita rin ang ibinahagi ng entertainment blog na LionHearTV para sa nakakakilig na tambalan nina Anji at Gelo.


“Anji dives deep into Candice’s character, bringing to life every shy, awkward, and ultimately endearing facet with remarkable sincerity. Together, Salvacion and Rivera spark a chemistry so palpable, so utterly kilig-inducing,” post ng LionHearTV.

Umani rin ng papuri ang Kapamilya rising stars na sina Brent Manalo, AC Bonifacio, Analain Salvador, Gela Alonte, at Krystal Brimner.


Umiikot ang kuwento ng TFBBAM kay Candice (Anji), ang dakilang loner na high school senior. Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang magiging exciting ang simple niyang buhay dahil magiging tropa niya ang pinakasikat na bad boys ng campus na sina Jeydon (Gelo), Troy (Dustine), Marky (Harvey), at Charles (River).

Libreng napapanood ang The Four Bad Boys and Me, na mula sa direksiyon ni Benedict Mique, sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page