top of page
Search
  • BULGAR

Ex-BFF, nega… JAYDA, DUMAMI ANG FANS SA PAG-AMING 'DI NA SILA FRIENDS NI FRANCINE DAHIL KAY ANDREA

ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 20, 2024




Puring-puri naman ng mga netizens ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda sa pag-handle nito ng isyu nila ni Francine Diaz.


Matapos ngang ikuwento ni Jayda sa programa nina 'Nay Cristy Fermin at Romel Chika ang pangyayari kung paano siya nagkaroon ng tila 'malamlam na friendship' with Francine, mas marami ang humanga at tila kumampi pa kay Jayda.


Napaka-petty nga naman na nang dahil lang nakipag-pose si Jayda kay Andrea Brillantes sa isang event ay nagdamdam na si Francine at nagalit sa kaibigan.


Napakadisente ng explanation ng dalaga at naunawaan siya ng lahat. 


Ang siste, kinukuyog ngayon si Andrea ng mga sinasabing 'trolls' o 'fans' ni Francine na hindi magawang awayin si Jayda.


Nakakaloka ang mga ito, sana naman ay napagsasabihan ito ni Francine dahil higit kaninuman ay sa kanya lumalatay ang bawat kastigo sa mga kinukuyog nilang celebrities o katrabaho nang dahil sa na-involve sa sinasabing jowa niya ngayon na si Seth Fedelin.


At the end of the day, nandu’n lang sa isang sulok si Andrea at humahalakhak nang bongga, hahahaha!


0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page