Ex-BF mo, Bea, obyus na sobrang happy… DOMINIC AT SUE, SA KASALAN NA RAW MAUUWI
- BULGAR
- Dec 20, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 20, 2024
Spotted na uli sina Dominic Roque at Sue Ramirez sa mas mataong lugar, hindi lang binanggit ng nag-post sa TikTok kung nasaan ang dalawa, saka kung ano ang kanilang ginagawa sa lugar na more public kesa mga naunang sightings sa kanila.
Sa TikTok, tila nasa gilid ng kalsada sina Sue at Dominic at walang tigil ang pagpapa-picture sa kanila ng mga tao. In fairness sa kanila, tinapos ang lahat ng nagpa-picture at hindi naalis ang kanilang mga ngiti.
Mababasa ang mga comments na mas bagay sina Sue at Dominic, mas magaan daw silang tingnan, hindi calculated ang mga galaw, lalo na ang aktres.
Pinuri rin ang pagiging cowboy daw ni Sue at feeling ng mga netizens, sasama siya kahit sa karinderya yayaing kumain ni Dominic.
Pinansin din na laging nakangiti lately si Dom, magaan ang aura at laging masaya.
Nakakatuwa na wala pa mang inaamin ang dalawa na sila na, may mga nagsabi nang sila ang endgame at sa kasalan na mauuwi ang DominSue.
May mga fans na nagrereklamo sa inilabas na listahan ng cinemas allocated sa 10 entries sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil hindi raw fair. Pero ang mga producers, walang reklamo, tanggap nila na may pelikula na mas marami ang sinehan, kesa sa entries nila.
Hindi na namin binanggit ang number ng cinemas dahil parang mababago pa hanggang sa December 25 na opening ng 2024 MMFF.
But as of December 20, ang And The Breadwinner Is… (ATBWI) ni Vice Ganda ang may pinakamaraming cinemas, sinundan ng movie ni Judy Ann Santos, at ng The Kingdom (TK) nina Vic Sotto at Piolo Pascual.
Sumunod ang Uninvited nina Vilma Santos, Nadine Lustre at Aga Muhlach, My Future You (MFY) nina Francine Diaz at Seth Fedelin, at Green Bones (GB) nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, followed by Hold Me Close (HMC) nina Julia Barretto at Carlo Aquino, Topakk nina Arjo Atayde at Julia Montes, at last ang Isang Himala (IH) ni Aicelle Santos.
May mga fans na nagre-request na dagdagan ang cinemas ng pelikula ng favorite actors nila, pero mangyayari lang ito kapag nagpakita ng lakas ang pelikula sa mga unang araw ng MMFF.
Ang mabuting gawin ng mga fans ay panoorin ang pelikula ng mga favorite nila at magyaya ng mga kaibigan para maganda ang box-office result.
Speaking of TK, pati si Pauleen Luna ay nagpo-promote sa MMFF entry ng asawang si Vic. Ipinost nito sa Instagram (IG) account niya ang poster ng movie with the caption: “Ready to meet Lakan Makisig (name ng karakter ni Vic).”
Pati trailer ng movie, ipinost din ni Pauleen at ang caption naman niya ay: “Have you ever wondered what our country would be like if we weren’t occupied by other countries? Watch how @direkmike envisioned it. The Kingdom, this December 25, 2024.”
Mali-mali ang lyrics, binash…
MARIAN, AMINADO SA PALPAK NA PAGKANTA
May Facebook (FB) post si Marian Rivera: “Congratulations, Mahal ko. Proud na proud kami sa ‘yo,” at may photo ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes na hawak ang napanalunang trophy sa Aliw Awards.
Si Zia ang nanalong Breakthrough Child Performer of the Year sa 37th Aliw Awards. At 9 years old, tumanggap na ng award si Zia, kaya proud sa kanya sina Marian at Dingdong.
Sa kanyang speech, nagpasalamat si Zia sa Aliw Awards at pinasalamatan ang voice teacher niya at ang mama niya na kasama niyang dumalo sa awards night.
Maririnig ang voice over ni Marian na tuwang-tuwa sa award ng anak.
Bawing-bawi nga si Marian kay Zia at sinabi niya ito nang ikuwento ang time na pinakanta siya na hindi alam ang song, ang Unfaithful ni Rihanna kung saan galing siya
sa taping at walang rehearsal. Mali-mali ang lyrics ni Marian, pati ang pronunciation at ginawang meme ng netizens ang palpak niyang pagkanta.
Sabi ni Marian, kahit siya, natatawa kapag napapanood ang video ng pagkanta niya at tanggap niya ang pamba-bash sa kanya. Hanggang ngayon nga, may mga hindi pa rin maka-move on sa kapalpakan niyang ‘yun at binubuhay kapag may achievement si Marian Rivera.
Comments