top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ex-BF, kaya raw umatras… BEA, P10 MILYON ANG GUSTONG GASTUSIN NI DOMINIC SA KASAL NILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 7, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 7, 2024



Oa naman ang balitang P10 million sana ang balak gastusin sa wedding nina Bea Alonzo at Dominic Roque, kaya raw umatras na sa kasal ang groom-to-be. 


Bonggang kasalan daw kasi ang gusto ni Bea at ine-expect niyang gagastusan ito ni Dominic at wala siyang ambag o gagastusin.


Kaya naman kung anu-ano na tuloy ang naging opinion ng lahat. May mga nakikisimpatya kay Dominic at nare-red flag si Bea at binansagan na "Urong-Sulong Bride".


Well, maaaring sinusubok lang naman ng tadhana kung gaano katibay ang pagmamahalan nina Bea at Dominic. Basta 'wag lang manaig ang pride at matutong magpaubaya at magpakumbaba kung sinuman ang may naging pagkukulang, mamamayani pa rin ang tunay na pag-ibig. 


Bakit hindi tularan nina Bea at Dominic ang kasal nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na kahit biglaan at simple lang ay ramdam naman na masaya sila at handang magsama sa hirap at ginawa basta ang importante ay ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan?


Ang kailangan ngayon nina Bea at Dominic ay space upang sila ay makapag-isip-isip kung gusto pa rin nilang ituloy ang kanilang kasal at kung wala ba silang pagsisisihan sakaling piliing tuluyan nang magkani-kanya ng landas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page