top of page
FRANKLY - MARTIN, FEELING PINARUSAHAN NI LORD KAYA NAGKAANAK NG SPECIAL CHILD-FB Martin Ni

Ex at bagong dyowa ni Coco, nag-face-to-face… KATHERINE, TODO-SORRY AT HIYANG-HIYA KAY JULIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 3, 2026



Ex at bagong dyowa ni Coco, nag-face-to-face… KATHERINE, TODO-SORRY AT HIYANG-HIYA KAY JULIA

Photo: FB / Katherine Luna



Ibinahagi ni Julia Montes ang una nilang pagkikita ni Katherine Luna, ang ex-girlfriend ni Coco Martin, na ngayon ay long-time live-in partner ni Julia.


Sa panayam ni Ogie Diaz, ikinuwento nina Coco at Julia na napanood nila ang video kung saan taos-pusong humingi ng tawad si Katherine kay Coco.

Dahil dito, naantig sila at nagpasyang tulungan siyang makabangon muli sa buhay.


“Nu’ng nagkita nga kami, parang wala na. Okay na ‘yun. Wala nang kahit katiting na sama ng loob. Napakahalaga nu’ng napanood kong humingi s’ya sa akin ng sorry.


Tinanggap ko ‘yun. Nagpakumbaba s’ya kaya nabura na ang lahat,” ani Coco.

Bilang suporta, sinabi nina Coco at Julia na tutulungan nila si Katherine sa pagpapagamot ng kanyang mata at bibigyan din siya ng panibagong pagkakataon sa pag-arte.


Tinupad ng aktor ang sinabi at isinama si Katherine sa bago nilang teleserye ni Julia na Sigabo.


Pag-alala ni Julia sa unang pagkikita nila ni Katherine, “Actually, wala pa kaming malalim na usapan. Pero nu’ng una kaming nagkita ni Ate Katherine, sorry lang s’ya nang sorry at thank you lang nang thank you. Super-bait ni Ate Katherine at nahihiya s’ya sa akin,” sey ng aktres.


Sa parehong panayam, ibinahagi rin ng celebrity couple ang kanilang sikreto sa matatag na relasyon. Ayon sa kanila, ang respeto sa isa’t isa ang pinakamahalagang pundasyon ng kanilang pagsasama.


“‘Yun ang meron kami ni Juls—respeto sa isa’t isa. Maraming definition ang pagmamahal, pero ang respeto, malinaw at iisa lang,” saad ni Coco Martin.





Naging bukas si Mikael Daez sa pagbabahagi ng isa sa pinakamalalaking hamon na naranasan niya bilang mister ni Megan Young, lalo na ngayong mga magulang na sila.

Sa panayam sa kanya sa podcast ni Bianca Gonzalez, inamin ni Mikael na noong una ay nakaramdam siya na wala siyang magawa habang nakikita niyang maraming emosyonal at mental na responsibilidad ang pasan ni Megan.


Sey ni Mikael, “Ang pinakamahirap para sa akin ay ang pag-alam kung paano ako makakatulong. Pakiramdam ko nu’n, naroon naman ako at may oras ako, pero ‘di ko alam kung ano mismo ang kailangan kong gawin.”


Sinabi niyang madali lang gawin ang mga gawaing-bahay, ngunit ang tunay na hamon ay kung paano mababawasan ang mental at emosyonal na bigat na dinadala ng kanyang misis.


Sa paglipas ng panahon, natutunan niyang hindi palaging kailangan na siya ang agad na umaaksiyon. Sa halip, mas mahalagang maging handa siyang sumuporta sa tuwing kakailanganin siya ni Megan.


Binigyang-diin din niya na sa tingin niya, mas mabigat ang emosyonal at mental na pasaning dinadala ng maraming kababaihan, lalo na sa pagiging ina at sa pamamahala ng tahanan.


Ayon pa sa kanya, “Mas marami talagang dinadala ang mga babae. Kaya sa anumang pagkakataon na maaari akong tumulong, handa akong gawin ‘yun.”


Dahil sa kanyang mga pahayag, maraming netizens ang humanga kay Mikael at pinuri siya sa kanyang pagiging open, maunawain, at pagbibigay-halaga sa mga sakripisyong ginagawa ni Megan bilang asawa at ina.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page