top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Evacuees sa Davao de Oro, handa na sa relocation

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 17, 2024




Nakahanda nang lumipat ang mga evacuees mula sa Barangay Masara sa Maco, Davao de Oro, patungo sa pansamantalang shelter area na inilaan ng lokal na pamahalaan.


Ito'y matapos na ipahayag ng pamahalaang panlalawigan ang mahigpit na pagpapatupad ng "no-build zone" policy sa komunidad na naapektuhan ng malaking landslide, na nagdulot ng pagkamatay na hindi bababa sa 92 katao noong Pebrero 6, 2024.


Kasalukuyang naghahanda ang mga otoridad para sa relocation site sa Barangay Elizalde. Ito ang lugar kung saan itatayo ang tent city na magiging pansamantalang tahanan para sa mga apektadong residente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page