Estudyante ni-rape ng ka-meetup

by Jeff Tumbado @News | October 22, 2026

Photo: File
Inaresto ng pulisya ang isang 18-anyos na estudyante dahil sa umano'y panghahalay sa kapwa estudyante sa loob ng isang pribadong paradahan sa Brgy. Kamagayan, Cebu City nitong Martes, Oktubre 20.
Ayon sa pulisya, inihahanda na ang reklamong rape laban sa suspek na nananatiling nakakulong sa Parian Police Station.
Naganap umano ang insidente noong gabi ng Oktubre 19 matapos magkasundo ang suspek at 19-anyos na biktima na magkita sa naturang lugar.
Nagkakilala umano ang mga ito sa pamamagitan ng isang dating application.
Sa kanilang pagkikita, dinala umano ng suspek ang biktima sa isang pribadong paradahan, kung saan sinabi ng babae na pinilit siyang makipagtalik ng lalaki.
Matapos ang insidente, isinumbong ng biktima sa mga awtoridad ang krimen at nadakip ang suspek sa Cebu.
Itinanggi naman ng suspek ang paratang laban sa kanya at sinabing pumayag naman ang biktima na makipagtalik.





Comments