Estudyante natuklaw ng cobra, dedbol

by Mai Ancheta @News | September 22, 2026

Patay ang isang 17-anyos na estudyante makaraang matuklaw ng banakon o king cobra sa kanilang bahay sa Katipunan, Bato-Bato, San Isidro, Davao Oriental nitong Linggo ng umaga, September 20.
Kinilala ang biktima na si Aiko Pantaleon, estudyante ng Davao Oriental State University, na tinuklaw sa paa habang nasa balkonahe umano ng kanilang bahay.
Hindi umano napansin ng biktima ang king cobra na nasa kanilang balkonahe.
Pagkatapos makagat sa paa, nakaramdam umano ang biktima ng pamamanhid kaya agad itong isinugod sa pagamutan.
Gayunman, nabigo ang mga manggagamot na iligtas ang dalagita dahil sa mabilis na pagkalat ng bagsik ng lason ng king cobra.
Napatay naman ng mga residente ang cobra na halos nasa dalawang metro ang haba.





Comments