Escoda at Ayungin Shoal, dapat bantayan ng water drone para walang masaktan
- BULGAR

- Sep 4, 2024
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | September 4, 2024

KAAWA-AWA ang mga menor-de-edad na naiipit at namamatay sa giyera ng Russia at Ukraine.
Bigo ang lahat na proteksyunan ang mga musmos.
-----$$$---
SA isang isla sa Palawan, humihingi naman ng katarungan ang mga magulang at kaanak ng 2 menor-de-edad na binugbog umano ng mayor at ng kanyang dyowa.
Naganap umano ang eksena sa loob mismo ng presinto sa harap ng mga pulis.
----$$$---
ALAM ba ninyo ang ugat ng krimen? Opo, dahil lamang sa private chat group.
Ingat, ingat sa “messenger”, hindi kayo ligtas sa tsismisan.
He-he-he!
-----$$$--
SA totoo lang, noon pang 2018 ang eksena at hanggang ngayon ay wala pa ring resolusyon ang hukuman ukol sa criminal complaint laban sa mag-asawa.
Naka-docket na ang reklamo sa paglabag sa “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Nakatengga pa rin sa RTC Coron.
-----$$$---
ILAN taon pa ang lumipas bago na-arraign ang mga akusado noong July 2023.
Masyadong nabalam, eh bakit kaya, hulaan ninyo.
----$$$---
PERO bago ito, kahit hindi pa raw nase-serve ang warrant of arrest, dumiretso na ang dalawa sa RTC para magpiyansa.
Tinangka nilang ipabasura ang kaso pero nagbigo sila.
Mainam naman.
----$$$---
MARAMI nang beses naikansela ang pagdinig.
Dagdag na kalbaryo ito sa mga biktima.
----$$$--
TUWING may hearing, kinakailangang magbiyahe ng mga biktima mula Culion hanggang Coron via ferry.
Dalawang beses lang sa isang araw ang biyahe ng ferry boat kaya may mga pagkakataon na dumarating ang biktima sa Coron isang araw bago ang pagdinig.
Pero, ‘yun pala ay ipagpapaliban lang.
Ngekk!
----$$$---
MAY ulat na kung sinu-sino ang nagsadya sa kanilang tahanan upang alukin sila ng pera, trabaho o ‘di kaya’y negosyo pero ayaw nila.
Siyempre, may banta rin pero nananatili silang matatag.
-----$$$--
NAGTATAKA naman tayo kung bakit walang binabanggit na reklamo sa Ombudsman o kaya ay sa DILG.
Mas mainam ay magbigay din ng panig at pahayag ang mga nasasangkot sa isyung ito para sa ikalilinaw ng lahat.
-----$$$--
NAPAG-UUSAPAN na rin lang ang Palawan, kung paano inaabuso ang mga paslit, tila ganyan ang nararanasan ng Philippine Coast Guard sa kamay ng mga Tsino sa West Philippine Sea.
Nagkakasya lang sila sa walang patid na reklamo.
-----$$$---
MAS mainam ay mga water drone ang magbantay sa Escoda at Ayungin Shoal.
Kahit banggain sila ng mga barko ng Tsino walang masasaktan.
Mas okey din na lagyan ng bari-bariles ng pulbura ng kwitis-Bocaue ang water craft upang sakaling bombahin ng tubig ng Tsino — ito ay unti-unting mag-iinit at sasabog!
Ha! Ha! Ha!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments