Ervic, iba ang gusto kaya wala pa ring GF

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 17, 2024

Ibinahagi ng aktor at San Juan City councilor na si Ervic Vijandre ang dahilan kung bakit wala pa siyang lovelife.
Sey niya, naka-focus kasi siya ngayon sa career at responsibilidad sa kanyang mga nasasakupan. Noong 2022 elections, nahalal si Ervic bilang konsehal sa first district ng San Juan.
“‘Yun nga, ‘yun na nga din. Kasi nga, dahil sa ganito ‘yung mindset ko na pinapahalagahan ko ‘yung mga nasa paligid ko, ng mga opportunity ko, siguro ‘yung mga nakikilala ko, ‘yung hindi nila... hindi pa sila swak dun sa mundo ko ngayon," paliwanag ni Ervic ng tanungin tungkol sa kanyang love life.
"Konti lang talaga ‘yung time ko sa ganito, para sa sarili ko. Iniisip ko kasi talaga ‘yung sarili ko is para sa ganito, para sa tao, para sa ganyan,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging konsehal, busy din si Ervic para sa taping ng Black Rider kung saan kabilang siya sa mga guest star.





Comments