top of page
Search
  • BULGAR

Erram at Castro ng Tropang Giga, itinirik ang Dyip

ni Gerard Peter - @Sports | July 18, 2021



Kinubra ng TNT Tropang Giga ang unang panalo kontra sa Terrafirma Dyip, 86-79, habang nilimitahan lang sa 6 puntos si 2021 top-overall pick Joshua Munson sa ikalawang araw ng muling pagbubukas ng 46th season ng PBA Philippine Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.


Bumanat ng mahahalagang baskets at free throws sa huling canto si center Poy Erram para irehistro ang double-double performance sa 15 puntos habang nanguna Sa opensa ng Tropang Giga si Jayson Castro sa 17pts, gayundin ang 14 pts ni troy Rosario at 10 pts ni Roger Pogoy upang ihandog ang panalo sa nagbabalik na mentor na si champion coach Chot Reyes.


Namuno sa Dyip si bigman Aldrech Ramos sa 17 markers, habang nag-ambag sina Rashawn MacCarthy ng 13 pts, Andreas Cahilig ng 12 pts at Juami Tiongson ng 10pts.


Sunod na makakalaban ng Tropang Giga ang Meralco Bolts sa Hulyo 24, Sabado sa unang laro ng 2 p.m. habang susubukang makabawi ng Terrafirma laban sa Rain or Shine sa Hulyo 23, Biyernes sa first game sa 12:30 ng hapon.


Ipinamigay ng Terrafirma Dyip si Russel Escoto sa Magnolia Hotshots kapalit ng 2022 second round pick sa 48th Season. Naging posible ang hakbang dahil puno na umano ang manlalaro ng Dyip, habang nangangailangan ng dagdag na bigmen ang Hotshots.


Samantala, sisimulan ng Barangay Ginebra San Miguel ang kampanya na maipagtanggol ang titulo na naibulsa noong isang taon sa ‘bubble tournament” laban sa heart-broken na NLEX Road Warriors, na nabigo laban sa E-Painters, 82-83 sa opening game noong Biyernes sa 2nd game. Tatangkain ng ROS na na maging malinis ang kartada laban sa first-day loser na Blackwater Bossing sa main event ng 7 p.m.


Ngunit bago ang mga ito ay susubukan ng Meralco Bolts na makadalawang sunod na panalo. Magbabalik na sa laro si 6-time PBA MVP June Mar Fajardo katulong ang malalim na line up ng Beermen na sina Terrence Romeo, Marcio Lassiter, Arwind Santos, Moa Tautuaa, Alex Cabagnot, Chris Ross, Von Pessumal at bagong miyembrong si CJ Perez.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page