Eroplano nag-emergency landing, 11-anyos patay
- BULGAR

- Jun 13, 2023
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason | June 13, 2023

Patay ang isang 11-anyos na bata matapos mag-emergency landing ang eroplanong kanilang sinakyan sa Budapest.
Nagkaroon umano ng hindi malamang aberya ang Turkish Airlines flight na mula New York patungong Istanbul kaya ito nagdeklara ng emergency landing.
Sinubukan pa umano na dalhin ang bata sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot nang buhay.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidente.





Comments