top of page

Eroplano bumagsak, 61 patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 10, 2024


File photo
Photo: Aviators for Aviators / FB

Isang regional turboprop plane ang bumagsak malapit sa São Paulo sa Brazil nitong Biyernes, na nagresulta sa pagkamatay ng lahat ng 61 pasahero, ayon sa airline.


Ayon sa regional carrier na Voepass, umalis mula sa Cascavel sa Paraná ang eroplano patungo sa international airport ng São Paulo at bumagsak bandang 1:30 ng hapon sa lokal na oras sa Vinhedo, mga 80 km (50 milya) sa hilagang-kanluran ng São Paulo.


Sa isang video na ipinost sa social media, ipinakita ang ATR-72 plane na umiikot nang walang kontrol habang bumabagsak sa likod ng isang grupo ng mga puno malapit sa mga bahay, na sinundan ng malaking ulap ng itim na usok.


Sinabi ng mga opisyal ng lungsod sa Valinhos, malapit sa Vinhedo, na walang nakaligtas mula sa pagbagsak ng eroplano at isang bahay lamang sa local condominium complex ang nasira, ngunit walang residente ang nasaktan.


Hindi agad sinabi ng mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page