top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ER ng Jose Reyes hospital, sarado hanggang August 31

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 27, 2020




Mananatiling sarado ang operasyon ng emergency room sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) hanggang August 31, ayon sa management ng ospital upang ang pasilidad ay maging ligtas sa mga pasyente sa panganib ng COVID-19.


“Bilang pagsunod sa pinaigting na health standard ng pamahalaan, humihingi kami ng pang-unawa sa publiko sa patuloy na pagsasara ng Emergency Service Complex ng JRRMC hanggang Agosto 31,” saad ng advisory.


“Ito ay para bigyang daan ang patuloy na pagkukumpuni ng pasilidad ng Emergency Service Complex upang ito ay maging mas ligtas at mas kapaki-pakinabang.”


Magmula noong August 19 hanggang August 26, limitado ang health facility partikular ang emergency room operations upang magbigay-daan sa disinfection ng emergency service complex habang tumataas ang kaso ng tinamaan ng coronavirus.


Gayundin, ang non-COVID patients na dinadala sa JRRMMC ay itina-transfer sa Tondo Medical Center, habang ang mga COVID-19 patients ay dinadala naman sa San Lazaro Hospital at Dr. Jose N. Rodriguez Medical Center.


“Sa Setyembre 1, 2020 makakaasa kayo na makakabalik na ang ng aming ER. Salamat po sa inyong patuloy na suporta!” ayon sa JRRMMC hospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page