Epy Quizon, tinupad ang pangakong makapagtapos after 30 years
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Cristine Marish Rivera @Lifestyle | February 19, 2026

Photo: Epy Quizon - Instagram
‘It was never too late’
Natupad na ang pangarap at pangakong makapagtapos ni Epy Quizon matapos ang 30 taon na pansamantalang paghinto nito sa pag-aaral.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Epy ang kanyang pormal na pagtatapos mula sa De La Salle University at suot ang itim na toga.
“Dear Self, 30 years ago, in 1996, you walked the halls of De La Salle University just a thesis away from graduation. Fear and circumstance pulled you away, and survival became more important than ceremony,” ayon kay Epy.
Ayon kay Epy, ang diploma ay hindi lang basta “piece of paper”, ito ay pangakong natupad, answered prayer at legasiya para sa mga anak.
Sa bukod na post, sinabi ni Epy na ang pagtatapos niyang ito ay nagsilbing pagbibigay-pugay sa namayapang ama na si Dolphy at pagkakaloob sa kanyang ina ng “gift of completion.”








Comments