top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Epekto ng krisis sa 2020, mas damang-dama sa mga susunod na taon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 7, 2020



Sa pinakahuling datos, bangkarote ang ekonomiya ng ‘Pinas sa nakaraang anim na buwan.


Inaasahang gagrabe pa ito sa susunod na anim na buwan dahil sa lockdown!


◘◘◘


MAHIGIT 60 percent ang recoveries sa COVID-19 at two percent lang ang mortality.

Malinaw na may “lunas” kontra COVID-19.


Pero sa bangkaroteng ekonomiya, walang malinaw na “lunas” ang gobyerno!


◘◘◘


KAPOS ng sintido kumon ang mga amuyong ni P-Digong.


May bakuna na raw kontra COVID-19 sa Disyembre.


Pero, may “bakuna” ba kontra sa bangkaroteng “negosyo”?


◘◘◘


OTSENTA porsiyento ang ibinagsak ng kita ng No. 1 commercial bank.

Pero, itinatago ang datos kung ilang “bangko” ang “bankrupt” na!


◘◘◘


HINDI maitatago ang nagkalat na saradong tindahan at negosyo sa buong bansa partikular sa Metro Manila.


Ang mga naglakas-loob na nagbukas, magsasarado na rin dahil “walang datung” ang mga konsumer!


◘◘◘


MISTULANG frontliners sa ekonomiya ang mga Bumbay.


Patuloy silang nagpapahiram ng cash sa mga micro businesses!


◘◘◘


ANG gobyerno, walang pakialam kung paano sasaklolohan ang mumunting negosyante.


Mas iniisip ng gobyerno kung paano peperhuwisyuhin ng “buwis” ang pobreng nagsisinop para may “pambili” ng pagkain!


◘◘◘


INIHAHANDA na ang annual budget sa 2021.


Eh, sinu-sino kaya ang magbabayad ng buwis sa naturang taon kung walang “income” ang mamamayan?


Sintido-kumon!


◘◘◘


SASANDAL sa pangungutang at pag-imprenta ng peso bills ang gobyerno.


Magpapalala ito ng grabe nang sitwasyon!


◘◘◘


NAKAKA-SURVIVE ang mayorya ng mamamayan ngayon.


Meaning, mayroon pang cash!


◘◘◘


Pero ang hawak na cash ngayon ay mula sa “normal na ekonomiya last year.


Ibig sabihin, walang “cash flow” ngayong taon—siyempre, wala ring available cash next year!


◘◘◘


ANG epekto ng krisis sa taong ito ay hindi mararamdaman sa kasalukuyang taon.


Ang krisis ay mararamdaman sa 2021 at 2022!


◘◘◘


MALINAW na may krisis sa ekonomiya sa panahon ng presidential elections sa 2022.


Buwenas ang mga makakalaban ng maka-Digong.


May magagamit silang “issue” sa black propaganda!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page