top of page
Search
  • BULGAR

4 patay sa bagyong Quinta

ni Twincle Esquierdo | October 27, 2020




Patay ang 2 katao sa Negros Oriental dahil sa Bagyong Quinta — isang 60-anyos na babae at isang lalaki na hindi pa nakikilala ng mga tauhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, nalunod ang dalawa dahil sa Bagyong Quinta ngayong Martes.


“We have received [reports] from our counterparts in Region VII of 2 individuals who died as consequence of Typhoon Quinta — 2 drowning victims from Negros Oriental,” sabi ni Timbal. Umabot na sa 4 ang kabuuang kaso ng mga namatay dahil sa Bagyong Quinta. Una na rito ang isang magsasaka sa Quezon nang sumulong sa baha at tinangay ng malakas na agos ng tubig habang nakasakay sa kanyang tricycle noong Linggo nang umaga, ayon sa health officer na si Dr. Ma. Wilma Castillo.


Ang pangalawa naman na hindi pa pinangalanan ay naitala sa Cagayan Valley region, ayon kay Philippine National Police Chief Gen. Camilo Cascolan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page