EO 155, pirmado ni P-Du30... Presyo ng gamot sa ‘Pinas, ire-regulate na
- BULGAR

- Dec 8, 2021
- 2 min read
ni Lolet Abania | December 8, 2021

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na magre-regulate sa presyo ng gamot at medisina na ginagamit para i-address ang mga nagiging sanhi ng morbidity o sakit sa mga Pilipino, ayon sa Malacañang ngayong Miyerkules.
Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, pinirmahan na ni Pangulo Duterte kahapon ang Executive Order No. 155, kung saan ipapatupad ang price regulation sa pamamagitan ng Maximum Retail Price (MRP) at/o Maximum Wholesale Price (MW) para sa 34 drug molecules at 71 drug formulas.
Ani Nograles sa isang statement, ang mga naturang drug molecules at formulas, “used in agents affecting bone metabolism, analgesics, anesthetics, anti-angina, antiarrhythmics, anti-asthma and chronic obstructive pulmonary disease medicines, antibiotics, anticoagulants, anticonvulsants, antidiabetic drugs, antidiuretics, and antiemetics.”
Sinabi pa ng opisyal na sakop din ng order ang mga molecules at formulas na ginagamit sa medisina laban sa glaucoma, hypercholesterolemia, hypertension, cancer, Parkinson’s disease, overactive bladders, psoriasis, growth hormone inhibitors, immunosuppressant drugs, at iron chelating agents at iba pa.
“This is part of efforts to improve access to affordable, quality medicines and reduce the health-related expenses of our countrymen, consistent with the goals of the Universal Health Care Act,” paliwanag ni Nograles. Batay sa order, kailangan na mayroong maximum retail price na naka-imprenta sa label ng medisina.
Ang listahan naman ng medisina at ang katumbas na presyo nito ay ire-review ng Department of Health (DOH), na may konsultasyon sa Department of Trade and Industry (DTI), 6 na buwan mula sa effectivity ng EO, at tuwing 6 na buwan pagkatapos noon.
Ang paglabag sa nasabing drug regulations ay maaaring pagmultahin ng P50,000 hanggang P5 milyon. Noong nakaraang taon, nagpatupad na rin ng ganito ang gobyerno kung saan naglilimita sa presyo ng 86 drug molecules o 133 drug formulas.
Narito ang mga regulated prices para sa mga nasabing medisina:






















Comments