Entry sa MMFF 2026… JODI, BAGONG LEADING LADY NI AGA SA MOVIE

ni Nitz Miralles @Bida | September 11, 2026

Photo: Aga Muhlach at Jodi Sta. Maria - IG
Tapos na ang panghuhula kung sino ang award-winning actress na makakasama sa 2026 MMFF entry ng Viva Films na 2nd Miracle in Cell No. 7.
Bago ang announcement ng Viva, lower part lang ng mukha ng aktres ang ipinakita, pero sa bagong post, buong mukha na ni Jodi Santamaria ang nakalantad.
Tanggap na tanggap ng mga fans at ng mga nakapanood sa original movie na Miracle in Cell No. 7 na kasama na sa cast ng 2nd Miracle in Cell No. 7 si Jodi. Siya ang gaganap sa role ng ina ni Yesha – na gagampanan pa rin ni Xia Bernardo Vigor – at makakaparera ni Aga.
Excited ang mga fans na kasama na sa cast si Jodi dahil makakatulong daw sa pelikula ang pagpasok niya since mahusay siyang aktres.
Kung dati, nakakaiyak lang ang original movie, doble at baka maging triple pa ang iyakang mangyayari ngayon.
Ini-repost ni Aga ang post ng Viva Films announcing na kasama na sa cast si Jodi at pinusuan ni Charlene Gonzalez-Muhlach ang post. First time yatang magkakatrabaho sina Aga at Jodi at isa pa ito sa mga nagpapa-excite sa mga fans.
RUMARAMPA ngayon si Heart Evangelista sa New York Fashion Week at hindi na-disappoint ang mga fans sa kundi kami nagkakamali ay first time niya sa naturang fashion show.
Iba ang datingan ni Heart dito kesa sa Paris Fashion Week at Milan Fashion Week.
Comment ng mga fans, “The main character of New York Fashion Week has arrived.”
“If this is training season, then class is officially in session. @iamhearte at NYFW is serving looks, attitude, and serious fashion game. This is masterclass season.”
“Let’s start fashion week with @cultgaia and of course with the Asia’s fashion icon @iamhearte.”
“The queen is back on track.”
Samantala, kahit dito sa bansa, gumagawa ng ingay si Heart dahil sa mga pahayag niya sa The People Have Spoken. Lagi itong nako-quote dahil sa mga controversial na pahayag.
Kaya ang request ng mga fans sa GMA-7, patagalin pa ang airing ng show para more controversial announcements from Heart pa ang kanilang marinig.
Fans, pumalag…
VINCENT, GINAWA LANG PHOTOGRAPHER NI BEA SA HONEYMOON SA ITALY
HONEYMOON daw ni Bea Alonzo at ng asawang si Vincent Co ang trip nila sa Italy at sa mga photos posted by Bea, makikitang nag-e-enjoy siya. Pero, wala sa mga photos ang kanyang asawa.
Sa isang post, sabi ni Bea, “Can’t believe it took me this long to explore this side of Italy. The Dolomites are unreal.”
Binanggit nito ang mga lugar na kanilang pinuntahan. Sa isa pang photo, ang caption ni Bea ay “No mountain too high for a good photo. Lagazuoi really took things to another level.”
Sa photo na nasa Venice sila, sabi ni Bea, “First night in Venice and I’m already in love. Sunset water taxi, pasta right away, then getting happily lost in the little streets. Such a good start.”
Sa isa pang photo, ang caption ni Bea: “Spent the day wandering around Venice, looking at art and taking it all in. The city’s buzzing with the Film Festival and the regatta, and now I’m putting it out there to the universe: Venice Film Festival one day please. Libre naman mangarap! Hahaha.”
Ang gaganda ng mga photos ni Bea at naniniwala ang mga fans nito na ang asawa niya ang kanyang photographer.
May request lang ang mga fans, sana raw, isama ni Bea sa ipino-post na photos ang kanyang asawa.





Comments