Entry ng ‘Pinas sa Oscars 2026… DIREK PAUL, NAG-IISANG PINOY NA PRODUCER NG MAGELLAN
- BULGAR

- Sep 3
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | September 3, 2025

Photo: Paul Soriano
Opisyal na ngang napili ng Film Academy of the Phils. (FAP) ang Magellan movie para maging entry ng bansa sa darating na 2026 OSCARS.
Matindi at madugong proseso ang pagdaraanan ng movie. Bukod sa laki ng gastos na gugugulin sa promo at marketing, kailangan ng pelikula na maging ‘very interesting’ sa mga voting members na manonood dahil sa haba ng running time nito.
In fact, ayon sa aming napag-alaman, mula sa 9 hours ay naiklian ito ni Direk Lav Diaz ng 3 hours. Still, mahaba pa rin pero tolerable na.
Ang presence ng mga foreign actors gaya ng bidang si Gael Garcia Bernal, ang isa sa mga bentahe ng film para madali itong mapansin.
And yes, sa point of view nga raw ni Magellan ang laman ng kuwento nito kaya’t huwag na raw tayong umasa na bida rito si Lapu-Lapu (ang nakagisnan nating unang Pinoy hero, ayon sa kasaysayan). The fact is, ni hindi nga raw yata nabanggit man lang si Lapu-Lapu sa istorya.
Sa mga cast members na nabasa namin, bukod-tanging ang beterano at mahusay na aktor na si Ronnie Lazaro ang nagbibidang Pinoy (as Raja Humabon).
Only Pinoy producer din si Direk Paul Soriano bilang isa sa napakaraming mga producers ng movie.
As we said, mahaba, madugo at magastos na proseso pa ang pagdaraanan ng Magellan to make it to the final cut of official nominees para sa Best Foreign Language Film category (at iba pang categories depende sa kampanya).
From sending it as the official entry ng bansa, may marketing at promo campaign, lobbying at pag-iimbitang gagawin sa mga voting members para mapanood nila ang buong pelikula sa iba’t ibang okasyon bago ang botohan.
Let’s just wish for the best na sana, this 2026 edition ng OSCARS ay may Pinoy movie na mapasama sa shortlisted entries na manggagaling sa halos 100 bansa and sana, maging official nominee na after more or less 6 decades nating pagtatangka.
SA dumaraming mga celebrities na sumasali sa mga memes, react post at iba pang socmed (social media) reactions tungkol sa flood control scandal, dumarami rin ang mga nagpapaalala na sana ay dahil ito sa tamang dahilan at rason.
Mula kina Carla Abellana at Anne Curtis, narinig na rin ang boses nina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Edu Manzano, Bela Padilla, and of course, Vice Ganda na kahit nasa London ay nagagawa pa ring magpasaring.
At marami pang iba among the socmed influencers bukod sa mga nasa mainstream media gaya ng mga anchors at ilang news commentators.
Pero ‘yun nga, sana raw ay hindi ito ningas cogon (sa umpisa lang) lamang o nakikisakay sa ingay ng madla. Na ‘yung tipong maingay ngayon, bukas tameme na. Na ngayon ay nagmamagaling at nagmamatapang, pero sa mga susunod na araw ay tiklop-tuhod at sara-bibig na.
Nakakaloka ngang kahit ‘yung magkakatrabaho na may personalidad na sangkot sa iskandalo ay pinagtatakhan kung paanong nagkakaroon ng maginhawang samahan?
Halimbawa raw d’yan ay si Ateng Korina Sanchez at mga kasamahang tagapayo sa Face-to-Face (FTF) na may magkakasalungat na opinyon o ‘di kaya’y nasa magkabilang dulo sa mga isyu ng corruption, etc. and yet, appears to be magkakasundo?
Or ‘yung gaya nga raw kay Vice Ganda na super close sa ilang may dynasty sa political family and yet, tinatamaan daw ng mga pasaring nito?
O ‘yung mga artistang nakinabang daw sa mga political advertisement/endorsement or even produced shows na sila ang bida at naningil
nang wagas and yet, nag-aastang hindi nakinabang sa ngayo’y tinutuligsa nilang kurakot?
And yes, lalo na ‘yung mga nag-iimbestiga kuno sa parehong Kongreso at Senado na nagkakani-kanya nang takipan at protekta sa mga interes nila?
Saan ba talaga nagsisimula at nagtatapos ang mga isyung ganito?
FIRST time palang pormal na magkakaroon ng ‘manager’ na matatawag si Gladys Reyes.
Sa halos ilang dekada na nito sa showbiz, informal pala ang kontrata nito sa yumaong si Nanay Lolit Solis at nakabase lang sa trust and confidence.
Kaya naman nagtataka raw ito kung bakit nagiging big deal sa ilan ang pagpirma niya under Star Magic ng exclusive contract.
May mga namba-bash kay Gladys dahil sinasabi nilang kung kailan naman ito nagkaedad na ay saka pa nito naisipang magpakontrata nang eksklusibo, na kesyo nagagawa naman nitong tumawid kahit saang network kaya’t ano pa raw ang “use” ng nasabing kontrata?
Pero sey ng magaling na aktres, “May mga iba pa naman akong kayang gawin bukod sa pag-arte. Malay naman natin kung may ibang mga assignments na puwedeng maibigay sa akin ang Star Magic.”
‘Yun naman pala! Push natin ‘yan, Gladys! Ang isang versatile artist na gaya mo ay hindi dapat nalilimita sa isang gawain lang, kaya push mo ‘yan!








Comments