Enjoy na wala sa showbiz… DANILO, GUSTO PA RING MAGKA-BABY NO. 5
- BULGAR
- Dec 28, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 28, 2024
Photo: Danilo Barrios - Instagram
For the first time ay nag-join ang dating Streetboys member at aktor na si Danilo Barrios sa annual Celebrity Bazaar sa World Trade Center sa Pasay City nu’ng Christmas.
‘Yan ang kuwento ni Danilo sa amin when he invited us to visit ‘yung puwesto niya at ng misis niya na si Regina “Reggie” Barrios para magbenta ng Tatio beauty/health products na business nila. May pampaputi, pampalusog ng internal organs at pampa-diet ang products nina Danilo at Reggie. Mismong si Danilo ay na-try ang Tatio slimming product nila, tumaba raw siya nang husto bago pa ang ginanap na reunion concert nila ng Streetboys. Kaya habang nagda-diet daw siya ay umiinom siya ng slimming product na ibinebenta nila.
Nagtitinda raw talaga ng mga gamot noon pa ang misis niya, iba’t ibang products hanggang sa nabitawan niya ‘yung iba. Kaya ang ginawa ng misis niya, nag-create sila ng sarili nilang mga gamot and then, sa Japan mina-manufacture. User din daw ang misis niya ng kanilang mga products noon.
“Tapos nu’ng nagkaanak na, medyo huminto na rin s’ya. Kasi, medyo na-busy na rin sa mga bata at sa ibang bagay, especially sa mga matatanda. Kasi ‘yung mga lola namin, sa ‘min nakatira, kaya ‘di na rin s’ya nakakalabas ng bahay. Sobrang bihira na lang. Kaya feeling n’ya, okay na s’ya doon,” lahad ni Danilo.
Mabibili raw ang products nila sa online, pero dati raw ay may shop sila sa Tomas Morato sa Kyusi.
Pahayag niya, “After ng pandemic kasi, walang pumapasok, parang siguro, na-burnout din kami ng wife ko, itinuloy na lang namin online. So, mas okey ang online. Wala kaming masyadong iniisip na tao at saka mga pinabayaang something.
“Binabalak namin next year, kung susuwertehin pa rin kami, why not? We will still try ‘pag medyo… ‘yung isa kasi, bunso, four years old pa lang. So, mahirap iwanan sa bahay at mahirap din iiwan kahit kanino lang.”
Gusto pa raw nilang magkaroon ng baby number five. Sey niya, “Why not kung papalarin tayo at bibigyan ng Panginoon. The more, the merrier.”
Dati nilang ambassadors sina Kris Bernal ar Sugar Mercado.
Aniya, “Si Kris, 2018, 2019. Si Sugar, isa sa ano ng wife ko, friends sila. Close sila. So, kinuha na rin n’yang endorser.”
Recently, may celebrities na nademanda at nakulong dahil sa pagiging endorser at part-owner daw ng isang beauty clinic.
“Walang ganyan sa ‘min. ‘Yung company kasi namin, wala naman nu’ng parang stocks. Hindi ganoon. Products po talaga ‘yung ini-endorse namin para sa kanila. ‘Yun din po ‘yung usapan namin. So, hanggang doon lang din po ‘yung ano. Kasi ayaw din naming magkaroon ng ‘yung kagaya ngayon, ‘yung mga nangyayari na gulo.
“At least ‘yun, ‘pag may contract doon lang s’ya. Pinapirma po namin sila as endorsers lang po, hindi part ng company. Kasi, mahirap din po, eh. Kasi baka kung saan din po mapunta or whatever kaya doon na lang po sa pagiging endorser,” paliwanag ni Danilo.
Kinumusta naman namin ang experience niya sa pagsali sa isang bazaar.
“Masaya kasi marami kang nakikita, especially kami (ng mga anak ni Danilo). Lagi kami sa Tarlac, medyo close. Ngayon, medyo maraming nakikita. Maraming nagpapa-picture na nakakatuwa.
“Kasi may iba especially ‘yung matatanda, nakikilala pa nila ako. Nakakataba po ng puso. ‘Yung mga kids naman, lagi nagsasabi, ‘Mama, sino yan?’ ‘Papa, sino yan?’
“Siyempre, ‘di na nila ako inabutan. Pero nae-explain din naman ng mga parents nila. So, very ano, nakakataba ng puso talaga. Sobra, grateful,” kinikilig na sabi ni Danilo.
Nagdadalawang-isip naman si Danilo kung babalik siya sa pag-aartista. May 13 years na rin daw since umarte sa harap ng kamera si Danilo.
“Busy na rin po ako dito, eh. At saka sa family. Siguro ‘pag medyo lumaki na ‘yung bunso ko. Saka ‘tong mga maliliit ko, pa-baby pa rin sila (Hugo at Isabel).
“Saka masarap din silang ano, eh, hangga’t gusto nila na binebeybi sila. So, why not, I will experience that. I’d like to expereince that kesa doon sa hindi ko sila nakikita,” diin pa niya.
Pero hindi naman daw niya totally isinasara ang kanyang “doors” sa pagbabalik-
showbiz.
Sa ngayon kasi ay mas gusto ni Danilo Barrios na nasa tabi siya ng family niya.
Comments