top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Engineer pinagbabaril sa kalsada, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
1 min read

by Mervin Reyes @News | November 21, 2026



Engineer binaril Orange Grove sa Brgy. Matina Pangi, Davao City - Circulated

Photo: Engineer binaril sa Orange Grove sa Brgy. Matina Pangi, Davao City - Circulated



Patay ang isang site engineer matapos pagbabarilin habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa entrada ng Orange Grove sa Brgy. Matina Pangi, Davao City nitong Biyernes ng umaga, Nobyembre 20.


Kinilala ang biktima na si "Arvie," site engineer ng isang real estate company at may ginagawang proyekto sa lugar.


Batay sa imbestigasyon, kalalabas lang ng biktima sa kanilang bunkhouse sa Matina Pangi at patungo sana sa kanilang opisina sa Bajada nang mangyari ang krimen.

Pinagbabaril ang biktima na nasa loob ng kanyang kotse na nagresulta ng kanyang kamatayan.


Hindi pa matukoy ng Davao City Police ang motibo sa pagpaslang at nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page