top of page

Engineer at pamangkin niratrat ng riding-in-tandem, utas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2023
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado | February 10, 2023




Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa natutukoy na salarin ang isang inhinyero at kanyang pamangkin habang ang mga ito ay nasa sasakyan sa bayan ng Lemery, Batangas kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na sina Frederick Casalme, 46, at ang 29-anyos na pamangkin na si Kingjay sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Napag-alaman kay Police Major Gerry Abalos, Miyerkules ng gabi nang isagawa ang pananambang sa mga biktima ng suspek na angkas sa isang motorsiklo sa Bgy. Mayasang.

Sinasabing lulan ang mga biktima sa isang SUV at papasok na sana sila sa kanilang compound nang pagbabarilin.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos isagawa ang krimen.

Napag-alaman na isang project engineer si Frederick at nangongontrata ng mga government projects sa malaking bahagi ng Batangas.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page