top of page
Search
  • BULGAR

Engaged na raw kay Daniel… KATHRYN, IDINISPLEY NA ANG SUOT NA SINGSING

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 25, 2023



Ilang araw nang viral ang isang video clip sa FB Reels kung saan ipinakita ni Kathryn Bernardo ang isang kamay na may suot na singsing habang kasama nila ng boyfriend na si Daniel Padilla ang isa sa mga best friends ng aktres na si Alora Sasam.


May title ang naturang video na "KathNiel engaged na," kaya naman nagtatanungan ang mga fans at netizens kung totoo bang nag-propose na si Daniel sa kanyang long-time girlfriend na si Kathryn.


Well, hindi naman ito ang first time na nabalitang engaged na sina Kathryn at Daniel.


Parang sina Coco Martin at Julia Montes lang na ilang beses nang napabalitang may anak na pero hanggang ngayon, wala naman tayong nakikitang baby.


So, hangga't hindi sa bibig mismo nina Kathryn at Daniel nanggagaling ang kumpirmasyon na engaged na nga sila, 'wag muna tayong umasa at maniwala.


Saka hindi naman mukhang engagement ring 'yung ipinakita ni Kathryn, 'no!


I'm sure sa tagal na nila ni Daniel, paghahandaan nang sobra ng aktor ang kanyang magiging marriage proposal kay Kathryn.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page