top of page

Endless daw ang love kay Aljur, Kylie... “I’M A LUCKY WOMAN” — AJ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 4, 2026



TALKIES - “I’M A LUCKY WOMAN” - AJ_IG _ajravvs

Photo: File / IG _ajravvs



“Dumating na ako sa point na kung ayaw sa akin ng tao, okey lang,” ito ang pahayag sa social media ng aktor-talent manager na si Ogie Diaz.


Noong January 2 ay nagdiwang ng kaarawan si Mama Ogs.


Sey ni Mama Ogs, “56 (years old) na ako ngayong January 2. Tumatanda na. Ganu’n pala ‘pag tumatanda—namimili ka na ng ibibigay mong emosyon sa bawat sitwasyon.

“Tinatanong tuloy ako ng ilang nakakakilala sa akin, ‘Dapat magalit ka, ‘di puwede ‘yung ganu’n, Mama Ogs.’


“Noong araw, ‘di lang galit. Suklam ang ibibigay ko sa ‘yo. Pero ngayon, hindi na masyado.

“Kung kaya pang ngumiti, ‘yun ang gagawin ko. Kung kinakailangang patawarin, patatawarin. Kung kailangang unawain, uunawain. Kung puwedeng pagbigyan, pagbibigyan.

“Oo, talagang sasagarin ka ng tadhana at ng sitwasyon, pero sa tuwing naiisip kong dagdag-stress lang ‘yun at baka umending pa sa wrinkles — ay, ‘di bale na lang.


“Pinipili ko na lang ibigay ang galit ko sa deserving ng galit ko. Hindi ‘yung maliit na bagay, gagawing big deal. Magtutungayaw. Wa’ na.


“Buti na lang talaga, ‘di pa ako umaabot sa kailangan kong i-video at i-post ‘yung sitwasyon porke alam kong may point ako o tama ako.


“Again, ‘pag tumatanda ka na, ultimo friends, nagbabawas ka na o ‘di mo na kinikita ang iba, dahil nagiging kumplikado ‘pag andami-dami nila sa paligid mo.


“Konti lang, sapat na. Sila ‘yung mga kaibigang gusto mong makita at makasama araw-araw kasi magaan lang, walang nega (negative), at ‘di puro problema ang idinudulog sa ‘yo.


“Dumating na ako sa point na kung ayaw sa akin ng tao, okey lang. Ang importante sa akin, ‘yung may gusto lang.


“56 na ako today. Ayoko na ng maraming stress. Gusto kong stress ay ‘yung gusto kong stress.

“Wala naman na akong dapat pang patunayan. Na-experience ko na lahat—hirap, pagod, struggle sa career hanggang sa maabot ko ‘yung goal ko. Tama na ‘yun.


“Pagwe-welcome sa ibang gustong maging ako, sa mga aspiring artists. ‘Yan! Excited ako diyan. Gusto ko ‘yan.


“Kasabay ng pag-intindi ko naman sa aking mental health, peace, at physical health, dahil ang goal ko ay kaya ko pang alagaan ang apo ko sa tuhod.”


Very well said, Ogie. Happy birthday, my one and only Panyerong Ogie Diaz!



“GANYAN din s’ya kay Kylie Padilla noon bago pa sila naghiwalay,” ito ang komento ng netizen sa ibinahagi ng aktres na si AJ Raval sa kanyang Instagram (IG) account na video clip na nagpapakita ng sweet moments nila ni Aljur Abrenica noong nakaraang taon.


Sey ni AJ sa post niya, kalakip ang heart emojis, “Not everything needs explaining. Just appreciation. Thank you, Aljur.”


Dagdag pa ni AJ, “Well, I’m a lucky woman & I just gotta tell him that I love him endlessly. Because love grows, where his rosemary goes & nobody knows like me.”

Maraming netizens ang pinusuan ang post ni AJ. 


Sa comment section, may nagtanong tungkol sa kung ano ang pakiramdam ng magandang aktres na si Kylie Padilla.


Tanong ng netizen, “Ano kaya’ng nararamdaman ni Kylie habang napapanood n’ya ‘to?”


Sagot ng isang netizen, “Siguro, masaya na s’ya para sa dalawa. Hindi naman siguro s’ya magiging blooming kung may hate pa s’ya sa puso.”


Korek ka r’yan, ateng netizen. Wala nang bakas ng galit sa puso ni Kylie Padilla kaya blooming siya.


Boom, ganern!



NAKAKUHA ang ABS-CBN ng 21 parangal para sa mga natatanging programa at personalidad nito, kabilang ang special awards para sa dating presidente at Chief Executive Officer (CEO) nitong si Charo Santos-Concio, Karen Davila, Karmina Constantino, at Donny Pangilinan, sa ika-21 Gawad Tanglaw Awards na ginanap kamakailan.


Ginawaran si Charo Santos-Concio ng Gawad Debbie Francisco Dianco, PhD para sa Pangmadlang Komunikasyon bilang parangal sa kanyang kontribusyon sa industriya.


Tinanggap naman nina Karen Davila at Karmina Constantino ang Gawad Natatanging Brodkaster sa Sining at Kultura ng Midya at Komunikasyon para sa kanilang dedikasyon at integridad sa pagbabalita.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page