top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Empleyado ng GMA Network, nagpositibo sa test sa COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 18, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Naglabas ng pahayag ang GMA Network, Inc. matapos na isang empleyado nila ang magpositibo sa test sa coronavirus o COVID-19.


Base sa report ng GMA News Online, ang empleyadong tinamaan ng covid-19 ay isang babae. Agad namang ipinaalam ng female employee sa network ang naging resulta ng kanyang test at nagsagawa na rin ng contact tracing sa lahat ng nakasalamuha niya.


Lahat ng naging closed contact ng empleyado ay sumailalim na sa 14-day quarantine ngayon at with pay. Maging ang work areas ng female employee ay nagsagawa ng disinfection bukod pa sa araw-araw na disinfection sa buong lugar na ipinapatupad ng network.


Ayon pa sa GMA Network, ang mga taong nakasalamuha ng nagpositibong empleyado ay sumailalim din sa rapid testing.


Dagdag pa rito, magsasagawa ng libreng rapid testing para sa mga field personnel nila. Sasagutin rin ng network ang confirmatory test sakaling may magpositibo sa test sa coronavirus.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page