top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Embiid, inangat sa 40 pts. ang 76ers; Ingram, petmalu

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 08, 2022





Pinatumba ng bisitang Philadelphia 76ers ang dating numero unong Chicago Bulls, 119-108 sa NBA kahapon sa United Center. Dahil dito, umakyat sa liderato ng Eastern Conference ang Miami Heat at si kabayan Coach Erik Spoelstra na ang hahawak sa Team Durant sa 2022 All-Star Game sa Pebrero 20.


Kontrolado ng 76ers ang laro mula pa sa first quarter sa likod ni Joel Embiid na nagbagsak ng 40 puntos at 10 rebound kontra sa magiging kakampi sa All-Star na si DeMar DeRozan para sa 45 puntos. Bumaba ang Bulls sa 33-20 panalo-talo habang angat ang Heat sa 34-20.


Ibinigay ng Denver Nuggets ang ika-walong sunod na pagkabigo ng Brooklyn Nets, 124-104, kung saan triple double si MVP Nikola Jokic na 27 puntos, 12 rebound at 10 assist.


Nanguna sa Nets si Kyrie Irving na may 27 puntos at lumagpak sa 7th sa East sa 29-24 subalit 4-8 lang ang Nets kapag naglaro ang kontrobersyal na guwardiya na hindi pa rin bakunado.


Naglabas ng bangis ang Milwaukee Bucks at tinambakan ang Los Angeles Clippers, 137-113, sa likod ng 28 puntos ni Giannis Antetokounmpo. Tinulungan siya ni Jrue Holiday sa 27 puntos at sinundan ni Bobby Portis ng 24 puntos.


Ipinasok ng Cleveland Cavaliers ang unang 19 puntos ng 4th quarter para maagaw ang lamang at lumayo patungo sa 98-85 tagumpay sa bisitang Indiana Pacers.


Hindi napigil ang mahusay na laro ni Brandon Ingram at wagi ang New Orleans Pelicans sa kulelat na Houston Rockets, 120-107. Bumida si Ingram sa 33 puntos at pinabuti ang kapit ng Pelicans sa ika-10 sa West na may 21-32 panalo-talo.


Triple double muli si Luka Doncic na 18 puntos, 10 rebound at 11 assist at tagumpay ang Dallas Mavericks sa Atlanta Hawks, 103-94. Sa ibang laro, panalo ang Minnesota Timberwolves sa Detroit Pistons, 118-105, at Boston Celtics sa Orlando Magic, 116-83.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page