top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Embiid mainit sa 76ers, nagpasabog ng 70 pts

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2024
2 min read

ni Anthony Servinio @Sports | January 23, 2024




Umapoy para sa 70 puntos si MVP Joel Embiid at wagi ang Philadelphia 76ers sa San Antonio Spurs, 133-123, sa isang makasaysayang gabi sa NBA kahapon mula sa Wells Fargo Center. Ang 70 ang pinakamarami sa kanyang karera at pinakamarami para sa manlalaro suot ang uniporme ng prangkisa.


Mas marami dapat siyang gagawin ngunit pinaupo na siya ni Coach Nick Nurse sa huling 1:22 at nalampasan na niya ang 69 ni Wilt Chamberlain na ginawa noong Disyembre 16, 1967 laban sa Chicago Bulls. Natapat ang laro sa ika-18 anibersaryo ng paggawa ng 81 puntos ni Kobe Bryant laban sa Toronto Raptors, ang pangalawang pinakamataas na hinigitan lang ng 100 ni Chamberlain na noon ay naglaro sa Philadelphia (Golden State) Warriors noong 1962.

Ito ang rin ika-14 beses na may nakagawa ng 70 o higit at anim dito ay kay Chamberlain. Ang dating marka ni Embiid ay 59 laban sa Utah Jazz noong Nobyembre 13, 2022.

Sinayang ng Charlotte Hornets ang isa pang higanteng laro ni Karl Anthony Towns at ginulat ang Minnesota Timberwolves, 128-125. May 58 puntos na si KAT pagkatapos ng third quarter at lamang ang Timberwolves, 107-92, at iyan na ang hudyat para humabol ang Hornets.

Nanguna sa Charlotte sina Miles Bridges na may 28 at rookie Brandon Miller na may 27. Nalimitahan si KAT sa apat na puntos lang sa huling quarter at nagtapos na may 62 pero nalampasan pa rin niya ang marka para sa isang laro na 60 na siya rin ang may hawak noong March 14, 2022 laban sa Spurs.

Hindi nagpahuli si Kevin Durant at naka-shoot na may isang segundong nalalabi upang ipanalo ang Phoenix Suns sa Bulls, 115-113, at magtapos na may 43 puntos. Sumandal ang numero unong Boston Celtics sa 39 ni Jayson Tatum at 34 ni Jaylen Brown at silatin ang Dallas Mavericks, 119-109.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page