top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Elizabeth Oropesa, mukhang mapapasubo sa putol-paa

BULGAR
Apr 4, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 4, 2022


PASTOR QUIBOLOY, HINDI LANG PALA SA KASONG SEX CHILD TRAFFICKING SABIT, DAHIL SABIT DIN SIYA SA LABOR TRAFFICKING SA TATE — Hindi lang pala sex child trafficking ang kinakaharap na kaso ni Pastor Apollo Quiboloy sa Amerika, kasi sabit din pala siya sa kasong labor trafficking sa Tate.


Ito ay matapos na aminin ni Maria de Leon, paralegal sa Los Angeles na tinulungan niya ang mga miyembro ng sekta ni Pastor Quiboloy na Kingdom of Jesus Christ na ilegal na makakuha ng permanent residency para makapagtrabaho sa pekeng charity organization sa Amerika.


Marami nang kasong kinakaharap si Pastor Quiboloy sa Tate, ah, ano kayang kaso ang sunod na mabubulgar? Abangan!


◘◘◘


SABI NI P-DUTERTE, HATE DAW NIYA ANG CORRUPTION, PERO IKINAKAMPANYA, MAY KASONG PLUNDER — Itinaas ni P-Duterte ang kamay ni former Sen. Jinggoy Estrada at saka nanawagan sa publiko na iboto raw ito para sa pagka-senador.


Sabi dati ni P-Duterte, hate daw niya ang mga corrupt, pero ‘eto siya ngayon, nag-iendorso ng isang pulitiko na may kasong plunder na dinidinig pa sa Sandiganbayan, tsk!


◘◘◘


HOUSE-TO-HOUSE NG MGA ARTISTANG PRO-LENI BAKA GAYAHIN DIN NG MGA CELEBRITY NA NAKASUPORTA SA IBANG PRESIDENTIAL CANDIDATES — Nag-house-to-house na ang mga artistang sina Angel Locsin, Marjorie Baretto at iba pang celebrity para sa kandidatura ni presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo.


Dahil d’yan, asahan nang gagayahin din ito ng ibang artista at celebrity na nakasuporta naman sa ibang presidential candidates.


‘Yan kasi ang sistema ng eleksyon ngayon, gaya-gaya, kasi nang ipauso ng kampo ni VP Leni ang drone sa kanilang mga political rally, ginaya na rin ito nina presidential candidates, former Sen. Bongbong Marcos at Mayor Isko Moreno, boom!


◘◘◘


ELIZABETH OROPESA MAPASUBO KAYANG MAGPAPUTOL NG PAA? — Sabi ng beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa, ipapaputol daw niya ang mga paa niya kapag may makapagpatunay na silang mga artistang nakasuporta kay BBM (Bongbong Marcos) ay tumatanggap ng bayad sa pagpi-perform sa entablado, kaya lang ilang araw matapos niyang sabihin ito ay umamin si comedian Eric Nicolas na "trabaho" lang daw ang pagpi-perform niya sa BBM-Sara political rally.


Hay naku, baka dahil sa kadaldalan ni Eric Nicolas ay mapasubo si Elizabeth Oropesa na magpaputol ng paa, kasi kapag sinabing trabaho ay may kaakibat na bayad ‘yan, ha-ha-ha.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page